• Home
  • Fresh Scoops
  • Tulad ng nakararami, pinagdaanan din ng host na si Bianca Gonzalez ang pagiging insecure.

Bianca Gonzalez, naging bukas sa kanyang insecurities

Tulad ng nakararami, pinagdaanan din ng host na si Bianca Gonzalez ang pagiging insecure.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

03/04/2021 11:17 AM
Bianca Gonzalez, naging bukas sa kanyang insecurities

Tulad ng nakararami, pinagdaanan din ng host na si Bianca Gonzalez ang pagiging insecure. 

Naging bukas ang host tungkol sa kanyang mga insecurities sa Magandang Buhay nitong Miyerkules, Marso 3.

Kwento ni Bianca: "I think ang insecurity ko ay usually insecurity din ng mga morena. Ito 'yung hindi pantay na kulay, lalong lalo na nung nasa grade school ako, high school ako, 'yung parang proseso ng learning to love yourself pa 'yun 'di ba, 'pag mas bata ka. So, napapansin ko na mas maitim 'yung tuhod ko kaysa sa iba. 'Pag may peklat ako sobrang maitim kumpara doon sa iba. Ang tagal mawala nung peklat, or kung may pimple ang tagal nung mark."


 

 

READ: Bianca Gonzalez shares why being a natural morena is beautiful

Naging insecure man dahil sa kanyang balat, kalaunan ay natutunan din umano ni Bianca na tanggapin ito.

"Ang insecurity I think hindi naman siya nawawala. Matututo ka lang na mabuhay with it. And ang feeling ko diyan sa insecurity, kung in-accept mo siya about you, kahit anong bashing mga tao tungkol sa 'yo, tungkol sa bagay na 'yun, dahil alam mo siya sa sarili mo at accepted mo siya, okay ka," aniya.

Para kay Bianca, malaki ang naging papel ng kanyang pamilya sa pagtulong sa kanya na mapagtagumpayan ang kanyang mga insecurities.

"For me, malaking part 'yung family. Ako kasi, morena ako, 'yung ate ko, morena rin at ang ganda ganda, ang poise pose. So, growing up in my family, never sa akin pinaramdam ng kapatid ko or ng magulang ko na dahil maitim ako, 'mas pangit' ako. Walang ganun. Nakikita ko na lang siya sa mga commercials, 'di ba minsan may commercial na kinukumpara 'yung maputi doon sa maitim. Or sa mga magazines, dati mas konti talaga 'yung representation ng mga morena. Ang laki laking factor nung pamilya para maramdaman nung bata growing up na beautiful ako sa kung ano ako, sa kung anong meron ako. Maputi man o maitim, ito ako. Beautiful," aniya.

Payo naman niya sa iba, iwasan ang pagkukumpara ng sarili sa ibang tao.

"Ang kalaban talaga ay feel ng insecurity. Kasi ang insecurity, battle na 'yan sa sarili mo 'di ba. Tina-try mong i-accept talaga, and 'yun kaya 'yun. It's a battle you can win kumbaga. Pero ang pinaka-delikadong mangyari kapag you have an insecurity is to compare pa yourself to others. Although human nature 'di ba na ico-compare talaga natin, try as much as possible na 'wag kasi iba iba tayo, eh. Kanya kanya talaga tayo," ani Bianca.

Hiling naman ni Bianca na maipakita din sa kanyang mga anak ang pagmamahal at suporta na ipinaramdam sa kanya ng mga magulang noong nakaranas siya ng insecurities.

"Sana 'yung parehong love and support na naramdaman ko habang lumalaki ako ang sukli ko doon ay sana 'yun ang mapakita ko sa mga anak ko para lumaki silang secure, feeling loved," aniya.