• Home
  • Fresh Scoops
  • Sumabak na sa Miss Universe training si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.

69th edition ng Miss Universe tuloy na, Rabiya Mateo todo paghahanda na

Sumabak na sa Miss Universe training si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

03/04/2021 07:40 PM
69th edition ng Miss Universe tuloy na, Rabiya Mateo todo paghahanda na

Tuloy na tuloy na this 2021 ang 69th edition ng Miss Universe.

 

Posted by Miss Universe on Wednesday, March 3, 2021

 


Sa official post ng Miss Universe Organization sa kanilang mga social media accounts, gaganapin sa May 16, 2021 sa Seminole, Hard Rock Hotel ang Casino sa Hollywood, Florida ang paghaharap-harap ng mga kandidata ng prestigious beauty pageant.

 

 

Si Zozibini Tunzi ng South Africa ang reigning Miss Universe title holder. Siya rin ang masasabing longest reigning Miss Universe dahil na rin sa hinarap na global health crisis.

Samantala, si Rabiya Mateo ng Iloilo City ang pambato ng Pilipinas para sa Miss Universe. Sa mga nakalap na tagged social media post ng PUSH, makikita na ang puspusang paghahanda ng pambato ng Pilipinas.

Sa mga uploaded Instagram story ng kilalang pageant maker na si Jonas Gaffud, sinimulan na ni Rabiya ang kaniyang pasarela training o ang paghahasa sa flawless na paglakad ala beauty queen.

Pinuri din ni Jonas ang kaniyang nakitang improvement sa reining Miss Universe Philippines dahil sa caption nito na “Dalaga na sya”.

Bukod sa pasarela training, isinabay na rin ni Rabiya ang tila paghahanda para sa mga moves na kaniyang gagawin sa national costume.

Sa isang post ng dance coach na si Lowell Basa Tan, makikita ang naging selfie nila ni Rabiya na may caption na “1st day of dance training with the Miss Universe Philippines 2020.”

 

 

Sa ngayon, looking forward na ang pageant fans sa gagawing mga pasabog ni Rabiya sa Miss Universe stage.

Kung papalarin, si Rabiya ang ika-limang Pilipina na makakapag uwi ng titulo sa Miss Universe na huling nasungkit ni Catriona Gray noong 2018.