TINGNAN: Rachelle Ann Go, nanganak na

Isinilang ni Rachelle Ann Go ang isang lalaking sanggol.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

03/31/2021 08:24 AM
TINGNAN: Rachelle Ann Go, nanganak na
Photo Credit: @gorachelleann Instagram

Masayang ibinahagi ng international singer na si Rachelle Ann Go ang kapanganakan ng kanyang panganay sa asawa na si Martin Spies. 

 

 

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng Broadway at West End star ang isang litrato kasama ang kanyang asawa at bagong silang na sanggol.

Saad ni Rachelle Ann sa kanyang caption: “Lukas Judah Spies has arrived!”

Samantala, ibinahagi ni Rachelle Ann ang kahulugan ng ibinigay nilang pangalan sa kanilang anak. 

READ: Rachelle Ann Go flaunts baby bump 25 weeks into pregnancy

Ang ibig sabihin umano ng Lukas ay “bringer of light” at “praised, let Him be praised” naman ang ibig sabihin ng pangalang Judah.

Ikinatuwa naman ng malalapit na kaibigan ni Rachelle Ann sa industriya ang pagdating ng kanyang anak.

Saad ni Lea Salonga: “Finally nandito na siya!!! Congratulations, everyone!!!”

“How lovely! Congrats Shin and Martin!” sambit ni Jona. 

“Welcome Baby Lukas!” ani naman ni Mark Bautista. 

 

 

Nobyembre noong nakaraang taon nang ibahagi nina Rachelle at ng kanyang asawa na si Martin ang masayang balita sa isang vlog tungkol sa kanyang pagbubuntis.  

"Surprise! It's finally here! No more hiding secrets (and bumps)! We're so excited to tell you all about our 2020, which was undoubtedly, and quite literally, a rollercoaster of ups and downs! Martin and I are very happy and excited to share this wonderful new chapter of our lives with you all,” saad ni Rachelle. 

READ: Rachelle Ann Go announces pregnancy: ‘Grateful for this new season’

“We are so grateful for this new season, this new blessing. Oh my gosh. I cannot believe I am going to be a momma,” sambit pa ni Rachelle. 

Ika-26 ng Marso nang isilang ni Rachelle Ann si Lukas. 

2018 naman nang ikasal sina Rachelle at Martin sa isang beach wedding sa isla ng Boracay. 

 

 

Noong nakaraang taon lamang, lumipat na sina Rachelle at Martin sa kanilang bagong tahanan sa London.