Rosanna Roces, pantanggal stress ang anak nina Coleen Garcia, Anne Curtis at Solenn Heussaff

Rosanna Roces, gusto pang magkaroon ng anak ulit.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/02/2021 07:55 AM
Rosanna Roces, pantanggal stress ang anak nina Coleen Garcia, Anne Curtis at Solenn Heussaff
Photo credits: Rosanna Roces FB (left), and @solenn IG (right)

May balak pa palang magkaroon ng anak ang award-winning actress na si Rosanna Roces. Ito ang inamin niya sa interbyu ng PUSH sa virtual media conference ng “rant-seryeng” KPL (Kung Puwede Lang) kung saan isa siya sa mga bida.

Kaya lang, ang tanong ng aktres, paano raw siya magkakaroon ng anak gayung ang partner niyang si Blessy Arias ay isang lesbian.

“Kung puwede lang magka-anak pa sana kami,” bulalas ni Osang.


Pinag-usapan na rin daw nila ng partner niyang si Blessy ang mag-adopt ng bata.

“Oo, napag-usapan namin very recent lang. Tinanong ko siya kung gusto niya. Ayaw daw niya. Antayin nalang daw namin ang next apo namin kay Onyok (bunsong anak ni Osang).

“Ayaw na daw niyang mag-alaga, unless nga kung anak ni Onyok,” sambit ni Osang.

Dagdag pa ng aktres, nami-miss niya na ang magkaroon ng inaalagaang baby sa kanyang bahay. Pantanggal stress at problema din daw kasi ito.

“Pag nai-stress ako, nalulungkot, ang ginagawa kong libangan ay tumingin ng mga babies sa Instagram. Tinitingnan ko yung mga anak nina Coleen Garcia, Anne Curtis ,at Solenn Heussaff. Hinahanap ko yung latest posts nila tapos pag nakita ko yon masaya na ako – good vibes na,” kuwento pa ng ni Osang.

Ang KPL ay pangatlong project na ni Rosanna kay Direk Darryl Yap. Her first two films were Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar at ang Revirginized na pinagbibidahan ni Sharon Cuneta na nasa post production na ngayon.

READ: Sharon Cuneta at Rosanna Roces bumubuo ng magandang friendship

LOOK: Sharon Cuneta shares sneak peek of new movie with Marco Gumabao

“Si direk kasi para yang si Adam Sandler, na kung sino na yung makagaanan ka ng loob siya na. Saka may feeling kaming dalawa na swerte kami kapag magkasama kami. Parang lahat ng gusto naming matupad, nangyayari basta magkasama kami,” lahad ni Osang sa working relationship nila ni Direk Darryl.

Kasama ni Osang sa KPL ang original KPL girl na si Loren Mariñas at Carlyn Ocampo, Dexter Doria, Bob Jbeili at Dennis Padilla.

Mapapanood  ang rantserye sa Vivamax simula April 9, 2021.