• Home
  • Fresh Scoops
  • Isang mensahe ang ibinahagi ng komedyanteng si Pokwang sa kanyang mga kapwa magulang.

Pokwang: Gabay ng magulang mahalaga ngayong may pandemya

Isang mensahe ang ibinahagi ng komedyanteng si Pokwang sa kanyang mga kapwa magulang.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

04/02/2021 07:20 AM
Pokwang: Gabay ng magulang mahalaga ngayong may pandemya
Photo Credit: @itspokwang27 on Instagram

Isang mensahe ang ibinahagi ng komedyante at inang si Marietta Subong, o mas kilala bilang si Pokwang, sa kanyang mga kapwa magulang sa Instagram nitong linggo.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

Sa kanyang post, sinabi ni Pokwang na mahalagang libangin ng mga magulang ang kanilang mga anak ngayong panahon ng pandemya kung saan limitado lamang ang galaw ng mga kabataan.


"Gawin natin ang lahat bilang magulang ang libangin sila lalo na sa nangyayari ngayon sa kanilang paligid na hindi pa nila lubos na nauunawaan. Kailangan nila tayo ngayon," ani Pokwang na may dalawang anak.

Ayon sa komedyante, hindi dapat maging hadlang ang pandemya sa pagpapatuloy ng edukasyon ng mga bata. Sa tulong ng mga magulang, maaari pa rin umanong matuto ang mga ito kahit nasa bahay lamang.

Patuloy niya: "Bilang isang ina masakit sa akin nakikita na lumiit ang kanilang mundo. Pero hindi ako susuko para hindi niya maramdaman na nalimitahan ang kanyang mundo.

"Kahit sa loob man lang ng tahanan, iparamdam natin na marami silang dapat pang ma-explore at matutunan sa pamamagitan ng ating gabay."

Sa ngayon ay umabot na sa halos 800,000 ang bilang ng mga kabuuang kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa.

READ: 'Walang sinasanto ang COVID': Sharon Cuneta tells netizen who claimed only the rich can get help for COVID

Nito lamang linggo ay ibinalik sa enhanced community quarantine (ECQ) na siyang pinaka-istriktong lebel ng lockdown ang mga siyudad na sakop ng "NCR Plus" bubble upang mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Tatagal ang ECQ hanggang Abril 4.