• Home
  • Fresh Scoops
  • Binawian ng buhay si Claire Dela Fuente tatlong araw matapos ang kanyang COVID-19 diagnosis.

Claire Dela Fuente, tatlong araw nanatili sa isang tent bago nakapasok sa isang ospital

Binawian ng buhay si Claire Dela Fuente tatlong araw matapos ang kanyang COVID-19 diagnosis.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

03/31/2021 08:30 AM
Claire Dela Fuente, tatlong araw nanatili sa isang tent bago nakapasok sa isang ospital
Photo Credit: @clairedelafuente Instagram

Ibinahagi ng anak ni Claire dela Fuente na si Gigo De Guzman ang mga huling sandali nito kasama ang kanyang ina. 

 

 

Sa panayam ni Gigo sa ABS-CBN News, inalala nito ang mga huling sandali kasama ang kanyang ina. 

“I could not be beside her in the hospital," saad ni Gigo na nagpositibo din sa COVID-19. 

Bagama’t masakit para sa kanya ang nangyari, sinabi ni Gigo na tila inihanda na siya para sa pangyayaring ito sa buhay niya. 

“Pero kakayanin ko ito. My mom and my late father who passed a decade ago prepared me for this,” aniya.

 

 

Ani Gigo, may mga sintomas na ng COVID-19 ang kanyang ina Huwebes palang noong nakaraang linggo.

“Thursday last week she already had symptoms,” ani Gigo. 

Samantala, ibinahagi naman ni Gigo na nanatili ng tatlong araw ang OPM icon sa isang tent sa Las Piñas Doctors Hospital bago tuluyang nilipat sa Pope John Paul II Hospital. 

“She was monitored for three to four days at the hospital’s waiting tent area and transferred to Pope John Paul II hospital yesterday (March 29)," saad ni Gigo. 

READ: ‘Sayang’ hit maker Claire Dela Fuente, pumanaw na

Nang lumabas na ang confirmatory test result, hindi umano napigilan ng 63 anyos na singer na ma-stress sa mga kaganapan. Nakadagdag pa umano ang sakit ni Claire na diabetes at hypertension sa mga pangyayari. 

“I told her you’re overthinking kasi. But it got the best of her plus the fact that she had diabetes and hypertension. Her oxygen level was constantly low and in her sleep, her heart stopped,” pagbabahagi ni Gigo. 

 

 

Paniwala ni Gigo, nakuha nila ang COVID-19 sa kanilang kasamabahay. Nasa ika-pitong araw naman umano si Gigo ng quarantine nang pumanaw ang kanyang ina. 

Pumanaw si Claire dela Fuente sa Pope John Paul II hospital ala-siyete ng umaga nitong Martes, Marso 30.

READ: Claire dela Fuente graduates with an Alternative Medicine degree

Ipinanganak bilang Clarita Crisostomo de la Fuente, unang sumikat si Claire noong ‘70s. Sa kalaunan nakilala siya bilang isa sa mga Jukebox Queens ng bansa.