• Home
  • Fresh Scoops
  • Carla Abellana and Tom Rodriguez, walang balak na huminto sa pagtatrabaho sa showbiz pagkatapos ng kasal.

Carla Abellana and Tom Rodriguez excited bumuo ng pamilya

Carla Abellana and Tom Rodriguez, walang balak na huminto sa pagtatrabaho sa showbiz pagkatapos ng kasal.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/03/2021 07:35 AM
Carla Abellana and Tom Rodriguez excited bumuo ng pamilya
Photo taken from Carla Abellana's YouTube video

Nakatakdang ikasal sina Carla Abellana at ang former Pinoy Big Brother housemate na si Tom Rodriguez bago matapos ang taong 2021. Ginanap ang actual wedding proposal ni Tom kay Carla noong October 2020 na tinanggap naman agad ng dalaga.

READ: ‘A million times, yes': Tom Rodriguez and Carla Abellana are engaged

Seven years na tumagal ang kanilang relasyon as a couple bago napagdesisyunang i-level-up ito at mauwi sa kasalan.


Sa isang virtual interview ay ibinahagi ni Carla na wala silang balak ng kanyang fiancé na huminto sa pagtatrabaho sa showbiz kahit kasal na sila ni Tom.

“Parang dapat wala kaming dapat i-let go because we have a lot of obligations, work obligations, marami kaming mga responsibilities pa and we have to fulfill all of those,” ani Carla.

WATCH: Engagement video of Tom Rodriguez and Carla Abellana

Balak din daw nilang magpatayo ng sariling bahay kapag nakaipon na sila. Mas kailangan din daw nilang doblehin ang sipag lalo na ngayong bubuo na sila ng pamilya.

Sabi pa ng aktres, “Building a home together that would be new once we get married, papasukin namin yun together. We will incorporate everything pati yung wishes ng isa’t isa in terms of building a home.

“Of course, parenthood, eventually, building a family. Hopefully, it doesn’t get to the point that we have to sacrifice much of work to be able to build a family together, but that’s natural. Doon naman din pupunta so, definitely, maraming papasukin at haharapin together.”

Dagdag naman ni Tom, pagtutulungan nila ni Carla ang lahat para ma-achieve ang kanilang goals.

“Kumbaga, it’s not that you’re going at your 50 percent and hoping to get the other 50 percent from your partner. Inherently, dapat you, guys, both at your best together to build something even better.

“So, hopefully, we’ll try to compromise and really meet in the middle and grow together as a couple in this new chapter of our lives,” lahad ni Tom.

Ayon pa sa aktor, ang original plan niya na magkaroon ng anim na anak ay nagbago na rin dahil sa pandemya. Dalawa na lang daw ang gusto niyang maging anak dahil sa sitwasyong nararanasan ngayon.

“Oo, tama na siguro yung dalawa na lang para mas praktikal. Mahirap ang buhay ngayon, eh,” sambit pa niya.