• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Huwag Kang Mangamba’ star Andrea Brillantes shares how she overcame anxiety and bought her dream home.

Andrea Brillantes admits worrying about her career in the past: ‘Gusto ko na mag give up’

‘Huwag Kang Mangamba’ star Andrea Brillantes shares how she overcame anxiety and bought her dream home.

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

04/03/2021 07:30 AM
Andrea Brillantes admits worrying about her career in the past: ‘Gusto ko na mag give up’
Photo credits: @blythe on Instagram

In her new teleserye Huwag Kang Mangamba, Andrea Brillantes said she and co-stars and fellow Gold Squad members Francine Diaz, Kyle Echarri, and Seth Fedelin hope to show the challenges of their generation in the new family drama series.

“Meron kaming inihahanda para sa lahat bilang Gold Squad. Dito ma-ta-tackle namin ang current issues ng Gen Z so sana makatulong kami sa mga kapwa Gen Z namin na may pinagdadaanan, sa mga episodes namin na baka para sa kanila. Sana meron silang matutunan dun dahil hindi lang siya basta basta pang-hype or para trendy lang yung ginawa namin na yun ay merong depth para matutunan ng mga kabataan ngayon dahil nga sinasakop na kami ng social media at hindi siya magandang bagay. Madami kayong matututunan dun mga Gen Z. I’m sure makaka-relate kayo dahil ako naka-relate,” she said.

READ: Andrea Brillantes thankful to stay with ABS-CBN: ‘Hindi nila ako pinabayaan’


In the past, the Huwag Kang Mangamba actress said she had her doubts about continuing her career.

“Many, many times kasi hindii naman talaga maiiwasan yun kasi wala naman talagang perfect sa buhay na ’to. Hindi ko in-expect since I entered showbiz at a young age, pangarap ko lang naman talaga sumikat nun. Hindi ko inakala na may mga ganun pala akong pagdadaanan. At hindi lang siya sa trabaho, personally din. Ang personal life ko hindi lang bilang Andrea, pati bilang Blythe ilang beses na nangamba ako. Gusto ko na mag give up. Ayoko ng nangangamba. Pero siguro sobrang lakas lang talaga ng fighting spirit ko para sa pangarap ko at sa tuwing iisipin ko lang yung family ko na hindi it yung buhay na gusto ko para sa family ko buong buhay nila. Ayoko na dito lang kami titira, ayoko na puro lang kami rent. Na kahit ang bigat bigat na, madalas hindi ko na alam kung paano ko gagawin ito. Nahihirapan na ako,” she admitted.

LOOK: Andrea Brillantes builds dream home after 10 years

The 18-year-old Kapamilya actress said that her family will always inspire her to believe in herself and continue to work hard.

“Nangingibabaw pa rin yung motto ko sa life na isang beses ka lang mabubuhay at ayokong mabuhay na nagsisisi, ayokong mabuhay na hindi ko magawa ang gusto ko sa iisang life ko. At saka kasi naniniwala ako na si Lord may timing siya para sa lahat. May dahilan kung bakit lahat ng nangyayari. Kaya kahit gaano ako nangangamba, siguro hindi lang para sa akin ito. Or naniniwala ako meron siyang mas maganda na blessing na ibibigay sa akin, may sagot sa lahat. Hindi man natin ngayon makukuha, pero makukuha natin ang sagot sa tamang panahon. At ito nakuha ko na siya sa tamang panahon kung kailan mas handa na ako. Yung pangarap ko na dream house for my family na mas kuntento na ako and mas kaya ko na tanggapin yung blessing ni Lord,” she shared.