Allen Dizon faces his most difficult role to date in the film ‘AbeNida’

Allen Dizon goes daring again for his latest movie role.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/03/2021 07:40 AM
Allen Dizon faces his most difficult role to date in the film ‘AbeNida’

Para sa multi-awarded actor na si Allen Dizon, ang role niya sa pelikulang AbeNida ng BG Productions International ang pinakamahirap na role na gagawin niya sa buong buhay niya bilang aktor.

“Very complex yung character ko this time. Isa akong iskultor o manlililok dito, pero dahil sa sobrang pagiging passionate ko bilang artist ay mababaliw ako,” patikim na kuwento ni Allen about his role sa bagong pelikulang ididirek ni Louie Ignacio.

“In real life, may mga ganito rin naman talagang cases. May nababalitaan tayo na ang akala natin may sayad na sa pag-iisip ang isang artist kasi nga artist sila. Kumbaga, hindi natin maarok kung ano yung pinanggagalingan bakit sila nagkakaganun, di ba?


“Yon ang malaking challenge sa akin. Kasi sa totoo lang, wala akong idea kung paano siya gagawin. Magre-rely lang ako sa script at sana mabigyan ko ng justice,” pahayag ng actor sa PUSH.

Hindi kailanman naging mapili si Allen sa mga role niya sa pelikula na nagbigay sa kanya ng local and international acting awards. Pero napapansin niya raw na puro mahihirap ang nabibigay sa kanya.

READ: Allen Dizon scores a double best actor win at Gawad Pasado Awards

Ani Allen, ”Parang lahat nang mahihirap na role sa akin ibinibigay? Pero siguro ano, nagkakataon lang. Hindi kasi ako ang tipo ng artista na gusto kong role ay ganito o ganyan dapat, hindi, eh.

“Nagkakataon lang na dumarating ang role na ibinibigay sa akin and good thing na napaka-challenging ng mga character.”

Isa pa sa pinaghahandaan niya sa AbeNida ay ang pagkakaroon niya dito ng ilang daring scenes kasama ang leading lady na si Katrina Halili.

READ: EXCLUSIVE: Award winning actor Allen Dizon considers ‘Mindanao’ movie with Judy Ann Santos a ‘milestone’ in his career

“Ako kasi, pagdating sa daring scenes, wala akong kiyeme, eh. Siyempre, babae iyong ka-partner natin at si Direk Louie kung paano ang execution, paano kung ano ang gusto niyang mangyari. Siya ang director, at sa kanya ako magdi-depend,” lahad ng 43-year-old actor.

Patuloy ni Allen, “At saka kailangang mag-usap kami ni Katrina kasi baka meron siyang limitations. Baka meron siyang dos at don’ts, mahirap na, di ba? Kung ano yung kaya kong takpan sa kanya o kung paano dadayain.

EXCLUSIVE: Nella Dizon, pressured sa pagiging multi-awarded actor ng ama na si Allen Dizon?

“Siyempre, di ba, babae. Ako, okey lang ako, wala naman yon sa akin. Hindi pa niya alam ang extent kasi, pero I’m sure nabasa na niya yung script. Pero kasi kapag nasa shooting ka, iba na, eh, iba yung nasa set ka na, eh.

“Ang daming nababago. Minsan nga walang dialogue, pero pagdating sa set, may dialogue ka na. At saka dapat talaga, may chemistry. Walang halong acting, kailangan natural,” tuluy-tuloy pa niyang paliwanag.

Naikuwento rin ni Allen sa PUSH a magkakaroon siya ng masturbation scene sa AbeNida.

“Ito yung pinaka-daring kong movie kasi may masturbation scene ako rito, may nudity kasi e. Lalakad ako na nakahubad,” huling pahayag ng aktor.