• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagpahayag ng kaniyang kalungkutan si Eva Eugenio sa biglaang pagpanaw ng malapit na kaibigang si Claire Dela Fuente.

‘Thank you for being a good friend’: Eva Eugenio nag-iwan ng mensahe sa pagpanaw ni Claire Dela Fuente

Nagpahayag ng kaniyang kalungkutan si Eva Eugenio sa biglaang pagpanaw ng malapit na kaibigang si Claire Dela Fuente.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

03/30/2021 03:17 PM
‘Thank you for being a good friend’: Eva Eugenio nag-iwan ng mensahe sa pagpanaw ni Claire Dela Fuente
Photo Credit to Eva Eugenio Facebook

Kasunod ng paglabas ng malungkot na balita na pagpanaw ng malapit na kaibigan na si Claire Dela Fuente, isang malungkot na social media post nitong Martes, March 30, ang ibinahagi ng isa sa mga Jukebox Queens na si Eva Eugenio.

RELATED ARTICLE: ‘Sayang’ hit maker Claire Dela Fuente, pumanaw na

Si Eva ay isa sa matuturing na malapit na kaibigan ni Claire, na kasabayan ng namayapang singer sa kasikatan noong dekada ‘70.


“I will truly miss you, my dear friend. I will miss all our chikahan, laitan, tawanan at kantahan,” bungad ni Eva sa malungkot na post niya.

Sa nasabing post, pinasalamatan rin ni Eva si Claire dahil sa pagiging mabuti nitong kaibigan sa kaniya sa halos apat na dekada ng kanilang pagkakaibigan.

“Thank you for being a good friend, and a good godmother to my daughter. Rest in peace kumare,” sambit pa ni Eva sa post. 

 

 

Batid rin ang malungkot na pamaaalam ni Eva kay Claire sa huling bahagi ng post.

“Jukebox Queens will not be complete without you” pahayag pa ni Eva.

Si Eva at Imelda Papin, ang dalawa sa mga pangalan na kilalang malapit sa OPM icon, na kilala rin sa tawag na Jukebox Trio. 

Sa ngayon, wala pang detalye na inilalabas ang pamilya ni Claire kaugnay ng kaniyang magiging burol. 

Panoorin ang naging performance nina Claire, Imelda at Eva sa It's Showtime dito: