• Home
  • Fresh Scoops
  • Labis na kalungkutan ngayon ang nararamdaman ng music industry sa pagpanaw ng isa sa mga itinuturing na ilaw ng OPM na si Claire Dela Fuente.

‘Sayang’ hit maker Claire Dela Fuente, pumanaw na

Labis na kalungkutan ngayon ang nararamdaman ng music industry sa pagpanaw ng isa sa mga itinuturing na ilaw ng OPM na si Claire Dela Fuente.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

03/30/2021 12:53 PM
‘Sayang’ hit maker Claire Dela Fuente, pumanaw na
Photo Credit: @clairedelafuente Instagram

Labis na kalungkutan ngayon ang nararamdaman ng music industry sa pagpanaw ng isa sa mga itinuturing na ilaw ng OPM na si Claire Dela Fuente. 

Nitong Martes, March 30, pumanaw sa edad na 62 taon ang jukebox queen na si Claire Dela Fuente sa hindi pa tiyak na dahilan.

Si Claire ang nagpasikat sa mga awitin tulad ng “Nakaw Na Pag-Ibig”, “Minsan Minsan” at ang classic song na “Sayang”.


 

 

Sa kaniyang pag-sikat noong dekada ‘70, tinawag na Karen Carpenter ng Pilipinas si Claire dahil sa pagkakahawig ng kanilang mga boses.

Kasabay din sa pagsikat ni Claire ang jukebox era kung saan ilan sa kaniyang mga naging kasabayan ay sina Imelda Papin at Eva Eugenio. 

 

 

Sa paglipas ng panahon, naging isang negosyante si Claire habang isinasabay ang pagiging hands on na nanay sa kaniyang mga anak na si Gregorio at Mickey.

Sa ngayon, tanging dasal at panalangin ang hiling ng mga naulila ni Claire sa kaniyang biglaang paglisan.