• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa pamamagitan ng legal statement, sumagot na ang kampo ni Kakai Bautista sa paratang sa kaniya ng Management team ni Mario Maurer.

Kampo ni Kakai Bautista bumuwelta sa demand letter ni Mario Maurer

Sa pamamagitan ng legal statement, sumagot na ang kampo ni Kakai Bautista sa paratang sa kaniya ng Management team ni Mario Maurer.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

03/30/2021 12:47 PM
Kampo ni Kakai Bautista bumuwelta sa demand letter ni Mario Maurer
Photo Credit: @mario_mm38 and @ilovekaye Instagram

Kasunod nang inilabas na demand letter ng management team na Kwaonhar Nine Nine Co., Ltd ng Thai actor na si Mario Maurer laban kay Kakai Bautista, isang legal statement rin ang ibinilik ng kampo ni Freddie Bautista na siyang nagpapatakbo ng career ng aktres.

RELATED ARTICLE: Mario Maurer’s camp issues demand letter against Kakai Bautista

Sa ibinahaging legal statement ng management team ni Kakai sa PUSH, inilahad nito ang kanilang saloobin sa mga paratang ng kampo ng aktor.


“We firmly and vehemently repudiate and detest in the strongest possible terms the claims of the ‘Authorized Attorney’ of Mr. Maurer’s agency against our client. They are palpably without any factual and legal bases. Further, his claim that our client ‘improperly exploited’ and made ‘false statements’ about Mr. Mario Maurer and his team already reek of libel a crime punishable under Art 353 of the revised penal code of the Philippines,” bahagi ng statement na pirmado ni Kakai, Freddie Bautista, at ng kanilang legal counsel na si Atty. Jude Marfil.

Sa bahagi ng statement, batid rin ng kanilang kampo ang naging impact sa personal na buhay at showbiz career ni Kakai na isang aktibong showbiz personality sa Pilipinas.

“We are deploy alarmed and appalled as to how a private letter which severely tarnishes the reputation and image of our client by making her appear as deceitful, lying, and exploitative woman and likewise contains personal information of our Client’s manager such as the latter’s address, made its way to the Philippine media,” pahayag pa nila.

Inihayag din sa statement na, pawang katotohanan lamang mula sa personal na experiences sa pakikipag-trabaho ng aktres sa Thai actor ang kaniyang ibinabahagi at ang mga ito ay parte ng kanilang pinagsamahan bilang dating magka-trabaho.

“The truth of the matter is that any and all factual allegations of our Cient as to her experience, connection, and communication with Mr. Maurer and the latter’s team are only based on truthful occurrences as substantiated by evidence and done without any malice or bad faith on her part— that is, a simple and truthful recollection of her personal experiences in working with an international public figure such as Mr Mario Maurer, whom she has so cherished and has held with high regard and respect,” pahayag pa sa legal statement.

Sa bahagi rin ng legal statement na ipinadala ng Artist Gallery Management, bumuwelta rin ang kampo ni Kakai sa demand letter ng kampo ng Thai actor na pinagbabawalan nitong bigkasin ang pangalan ni Mario Maurer.

“Accordingly, for as long as the statements of our Client are based on truth and that she has not signed any non-disclosure agreement with Mr. Mario Maurer and/or his agency, Ms. Bautista is very much free under our legal system to publicly talk about her experiences with Mr. Maurer, who is an international public figure. Nonetheless, our client has decided to totally disassociate herself from Mr. Maurer through all means and channels possible,” patuloy ng statement.

Sa huling bahagi ng statement, kinuwestiyon rin ng kampo ni Kakai ang tila tunay na pagkatao ng nagpakilalang legal counsel ng Kwaonhar Nine Nine Co., Ltd na siyang nagpadala ng cease and demand order.

“In this regard, we have demanded from alleged attorney of Mr. Mario Maurer’s agency to prove his identity and authority to send Cease and Demand letter on behalf of Mr. Maurer and the latter’s agency,” pahayag pa ng legal team ni Kakai.

Samantala narito naman ang kabuuan ng orihinal na statement na ipinadala ng Artist Gallery Management ni Kakai