• Home
  • Fresh Scoops
  • Kasal na si JC de Vera sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Rikkah Cruz.

JC de Vera, ikinasal na noong 2018

Kasal na si JC de Vera sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Rikkah Cruz.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

03/03/2021 12:00 PM
JC de Vera, ikinasal na noong 2018
Photo Credit: @akosijcdeberat Instagram

Kasal na si JC de Vera sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Rikkah Cruz.

Sa bagong vlog ng aktres na si Erich Gonzales, ibinahagi ng aktor na ikinasal na sila ng kanyang girlfriend sa isang civil ceremony noong 2018.

Ayon kay JC, nangyari ang kasal bago ipinanganak ang anak nila ni Rikkah na si Lana.


 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by JC de Vera (@akosijcdeberat)

 

Dagdag pa niya, plano nila ng kanyang girlfriend na muling magpakasal sa simbahan, ngunit na-postpone ito dahil sa COVID-19 pandemic.

"Ang nangyari kasi diyan, inuna talaga namin 'yung civil wedding. Tapos lumabas si Lana. Then right after lumabas si Lana, dapat magchu-church wedding na kami. Eh nagka-pandemic, so na-move ulit," ani JC, na sinabing tuloy pa rin ang plano nilang magpakasal sa simbahan ngayong taon. 

"Mas gusto talaga namin 'yung church. 'Yung civil wedding, alam namin na dumaan lang. Parang mas gusto pa naming mag-prepare ng something really big, which is 'yung church wedding," sabi niya.

Nang matanong naman kung bakit hindi siya nag-post tungkol sa nangyaring kasal, sinabi ng aktor: "Hindi talaga ako, alam mo 'yun, ma-big announcement. [But] I always tell everyone. 'Pag tinanong, 'Are you married?' 'Yeah, I'm married.'

READ: JC De Vera and Rikka Cruz's pre-nuptial shoot in Old Manila

Ayon kay JC, dating schoolmate niya ang kanyang asawa na mas bata sa kanya ng pitong taon.

Kwento niya, dumaan siya sa butas ng karayom sa panliligaw kay Rikkah. 

"Pinahirapan niya 'ko. Dumaan ako sa butas ng karayom and hindi niya 'ko binibigyan ng any window para pumasok ako sa buhay niya. Takot siya. Kasi nga 'yung type of work kasi natin 'di ba. Siyempre 'pag hindi ka talaga nasa work natin, it's hard to understand kung ano talaga 'yung ginagawa natin everyday, and para doon sa mga non-showbiz, matagal 'yung para ma-process sa kanila," ani JC. 

"So siya, medyo takot siya, pero sabi ko nga, 'Pinahirapan mo 'ko, eh.' Sinuyo ko talaga and decided ako na I'll end up with you," dagdag pa niya.