• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Huwag Kang Mangamba’ actress Andrea Brillantes reveals how she prepared for her role as the blind girl Mira in the newest Kapamilya soap.

Andrea Brillantes thankful to stay with ABS-CBN: ‘Hindi nila ako pinabayaan’

‘Huwag Kang Mangamba’ actress Andrea Brillantes reveals how she prepared for her role as the blind girl Mira in the newest Kapamilya soap.

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

03/29/2021 08:31 AM
Andrea Brillantes thankful to stay with ABS-CBN: ‘Hindi nila ako pinabayaan’
Photo Credit: @blythe Instagram

After playing the iconic bad girl role of Marga Bartolome in the soap Kadenang Ginto, Andrea Brillantes admitted she requested from ABS-CBN management to have her play the heroine for a change in her latest drama series Huwag Kang Mangamba.

“Actually, rinequest ko talaga na sana sa next kung may maibibigay sa akin na show, sana dito naman mabait ako or kung hindi man mabait ay opposite ni Marga. Kasi gusto ko maipakita sa lahat ng tao ang kakayanan mo sa pag-arte at ayoko ma-limit ang sarili ko sa pagiging kontrabida kasi mahilig ako sa iba’t ibang character, sa mga challenging roles,” she said.

READ: Andrea Brillantes on turning 18 this year: ‘Mas matapang na siguro ako, mas woman na’


Last year, Andrea said she couldn’t wait to start acting again with the Gold Squad even though she was uncertain about the status of their careers after the ABS-CBN shutdown.

“Bilang isang fan girl sa May Bukas Pa, nung nalaman ko na ito yung show na gagawin namin at nararamdaman ko yung epekto niya, sabi ko sa sarili ko, ‘Grabe ito yung show na binigay sa amin.’ And first prime time show ko ‘to. Sobrang nagpapasalamat ako sa Dreamscape kasi sa amin nila ito ibinigay eh. Bago pa lang kaming grupo pero grabe na yung tiwala nila sa amin kaya nag-thank you agad ako. Halos lumuhod ako nag-thank you agad ako kay Lord.

“Nahiya nga akong magtanong, mag-follow up sa manager ko kasi alam ko yung pinagdadaanan ng ABS-CBN eh. Gusto ko lang mag go with the flow, ayoko silang i-pressure. Hindi talaga nila kami pinabayaan. Dati hindi nila ako pinabayaan. Ngayon na pandemic hindi pa rin nila ako pinabayaan. Kaya iba talaga ang pag-alaga ng ABS-CBN sa artista nila. Sobrang grateful ako na sila ang nag-aalaga sa akin at proud na proud ako na sabihin na artista nila ako at ganyan sila mag-alaga ng artista nila at ganyan sila magtiwala,” she admits.

LOOK: Andrea Brillantes looks stunning in birthday shoot

Before taping for the series, Andrea said preparation for the role came easy for her. “Wala ako masyadong preparation sa pag-iba ng ugali ko from Marga to Mira kasi very close naman si Annaliza kay Mira, ang kaibahan lang mas pinakita kung paano maka-Diyos si Mira kesa kay Annaliza.

“Ang pinaghandaan ko actually is Mira is visually impaired so yun yung mas pinaghandaan ko talaga. Sa bahay nag-ba-blindfold ako kasi ayoko ng mag-arte ng ganun, lalo na may mga taong talagang ganun. Gusto ko mabigyan ng justice yung role ko so lagi akong may gawaing bahay. And sa nabasa ko sa script hindi siya talaga pumapayag ng hindi siya kumikilos, hindi siya naghuhugas, hindi siya nagluluto. Kinailangan ko rin i-practice yung habang naka-blindfold ko ginagawa ko yung chores ko sa bahay. Nagliligpit ako, nagtutupi ako ng damit ko. Feeling ko talaga kailangan ko gawin yun para sa role ko,” she said.