• Home
  • Fresh Scoops
  • May special participation ang mga dating miyembro ng ‘That’s Entertainment’ sa biopic ni Isko Moreno.

Mga dating members ng ‘That’s Entertainment’ magre-reunion sa ‘Yorme’

May special participation ang mga dating miyembro ng ‘That’s Entertainment’ sa biopic ni Isko Moreno.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/28/2021 11:10 AM
Mga dating members ng ‘That’s Entertainment’ magre-reunion sa ‘Yorme’

May partisipasyon ang maraming members ng programang That’s Entertainment sa biopic ni Manila Mayor Isko Moreno na Yorme: The Musical. Ayon sa director ng pelikula na si Joven Tan, natapos na niyang kunan ang first batch at may mga susunod pang iba.

READ: Xian Lim to play Isko Moreno in ‘Yorme: The Musical’

Kabilang sa mga dating kasamahan ni Mayor Isko na mapapanood sa Yorme ay sina Ramon Christopher, Tina Paner, Jennifer Mendoza, Jestoni Alarcon, Karen Timbol, Lovely Rivero, Ricky Rivero, Jovit Moya, Jojo Abellana at Bryle Mondejar.


Si Janno Gibbs na nagsimula rin noon sa That’s Entertainment ang gaganap bilang German Moreno. Si Kuya Germs ay kilalang star builder, producer at host ng That’s Entertainment.

Ayon kay Janno, masaya siyang ipinagkatiwala sa kanya ang role ng yumaong master showman.

I’m very happy to be asked to play Kuya Germs. I’d like to think isa ako sa fave alagas ni Kuya Germs, at siya talaga ang naka-discover sa akin. I owe him my career, kaya emotional ako playing him. Nagdalawang isip lang ako kasi kailangan mag-ahit which I don’t like. Pero ayokong iba ang gumanap na Kuya Germs,” ani Janno.

Nagpapasalamat naman ang director ng Yorme na pumayag ang mga dating taga-That’s na mag-cameo sa pelikula.

“Ang saya na makasama sa isang project ang ilan sa mga stars ng That’s Entertainment na halos kasabayan mong lumaki. First batch pa lang, more to come sa movie na Yorme,” lahad niya.

Patuloy ng director, “Natutuwa din ako na si Janno at ang iba pang other artists na minentor ni Kuya Germs ay pumayag na mapasama sa movie. This is also our way of paying tribute and giving respect to him.”

McCoy de Leon will play the young Isko while Xian Lim will play the present-day Isko in the Saranggola Media Productions musical film.

LOOK: McCoy de Leon gaganap bilang si Yorme Isko sa pelikula

May 19 original songs ang Yorme na lahat ay sinulat ni Direk Joven who was the former grand winner of Himig Handog P-Pop Love Song songwriting competition noong 2013 para sa kantang “Ano’ng Nangyari Sa Ating Dalawa” interpreted by Ice Seguerra.

Samantala, wala pang binabanggit kung sino ang magiging leading lady ni Xian sa Yorme.