• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi naging madali sa Kapamilya power belter na si Sheryn Regis ang desisyon na balikan ang karera bilang isang full time singer.

‘May boses pa ‘ko’: Sheryn Regis, magbabalik recording

Hindi naging madali sa Kapamilya power belter na si Sheryn Regis ang desisyon na balikan ang karera bilang isang full time singer.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

03/27/2021 11:56 AM
‘May boses pa ‘ko’: Sheryn Regis, magbabalik recording
Photo Credit: @sherynregis Instagram

“I can still do it, may boses pa 'ko.”

Ito ang pahayag ng nagbabalik na original power belter na si Sheryn Regis. Sa kaniyang pagbabalik, isang bagong awitin titled “Tulad ng Dati” under Star Music ang handog ng singer para sa mga naka-miss sa kaniyang talento.

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Sheryn Regis (@sherynregis)

 

In an digital interview with entertainment media, ikinuwento ni Sheryn na hindi basta basta ang kaniyang naging desisyon na bumalik sa pag-awit.

“Hesitant talaga ako bumalik because baka hindi ako i-welcome ulit o masuportahan. Baka wala na nakakakilala sa 'kin,” rebelasyon ni Sheryn sa naganap na digital conference nitong Huwebes.

Matatandaan na sa kalagitnaan ng mainit na karera ni Sheryn, nagdesisyon noon ang singer na manirahan sa ibang bansa upang subukin ang kaniyang kapalaran doon.

“So ngayon naman, ito lang talaga 'yung courage ko, ito na Sheryn, whatever will happen basta pinasok mo 'yan, pasukin mo na 'yan at dire-diretso na. With the support of my management, ng pamilya ko, syempre dumagdag pa na winelcome ako ng Star Music,”sambit ni Sheryn.

Bukod sa bagong awitin, nakatakda rin pumirma ng exclusive recording contract si Sheryn na nakilala bilang isa sa mga runner up ng talent competition na Star in a Million.

Thankful rin ang power belter sa panibagong pagkakataon na ibinigay sa kaniya na makapag simula muli bilang isang singer.

“Sobrang I feel so blessed. Because 'yung pagtitiwala sa 'kin na ‘Sheryn can still do it.’ Ito rin nagbigay sa 'kin ng boost sa confidence ko na okay ‘Sheryn you can do that, don't cry anymore.’ Ito na 'yun,” pahayag ng singer.

Sa ngayon, looking forward na si Sheryn at kaniyang fans sa muling pag-birit ng kanilang idolo sa iba’t ibang Kapamilya programs.

RELATED LINK: Sheryn Regis reveals struggle with thyroid cancer