• Home
  • Fresh Scoops
  • Ilang sweet na litrato ang ibinahagi nina Ellen Adarna at Derek Ramsay ng kanilang bonding moment bago ang 33rd birthday ng aktres.

Derek Ramsay, may advanced birthday greeting kay Ellen Adarna

Ilang sweet na litrato ang ibinahagi nina Ellen Adarna at Derek Ramsay ng kanilang bonding moment bago ang 33rd birthday ng aktres.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

03/27/2021 06:26 PM
Derek Ramsay, may advanced birthday greeting kay Ellen Adarna
Photo Credit: @maria.elena.adarna on IG

Isang advanced birthday greeting ang natanggap ni Ellen Adarna sa kanyang boyfriend na si Derek Ramsay kahapon, Marso 27. Sa April 2 pa ang ika-33 na kaarawan ng aktres.

Sa Instagram, ibinahagi ni Derek ang kanyang pagbati para sa bagong girlfriend kasama ang ilang litrato ng kanilang bonding.

Advanced happy birthday love," ani Derek sa kanyang post.


 

 

Si Ellen din naman ay nagpost ng kanilang ‘date’ kasama ang kanyang anak na si Elias. Isang heart emoji lamang ang caption niya dito.

READ: Did Derek Ramsay and Andrea Torres have closure?

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by EA (@maria.elena.adarna)

 

Ilan sa mga kaibigan ng couple ang bumati sa kanila tulad nina Ruffa Gutierrez, Natalie Hart, Nikka Garcia at iba pa. May 241,000 likes na ang picture nila ngayon.

Ilang linggo lamang ang nakakaraan nang aminin ni Derek ang relasyon nila ni Ellen, matapos silang makita na laging magkasama sa ilang bakasyon at public events.

READ: Derek Ramsay on Ellen Adarna: ‘She’s the one’

Ayon kay Derek, si John Estrada ang nagset-up sa kanila ni Ellen sa isang blind date bago pa napabalita ang pagkikita nila noong Enero kasama ang ilang kaibigan. 

We follow each other on Instagram. But we didn’t formally know each other. We were supposed to work together before, in a movie. But that didn’t materialize," he said.

"I really [didn't] want to do this blind date. I hate blind dates. [But] I ended up going. And it was funny because when I got there, I was finally introduced to her. So, yeah, it was a wonderful evening," sabi ni Derek sa interview niya kay G3 San Diego.

Sa tingin daw ni Derek ay si Ellen na ang ‘the one.’

Seriously. Like no joke. Sometimes you need to live a crazy life. I’ve always been living a safe life, and now, parang holy sh*t! I don’t know what’s coming. I don’t know what’s happening... I’ve had so many relationships, you know? But there’s nothing like this talaga,” paliwanag ng aktor.