• Home
  • Fresh Scoops
  • Naka-quarantine ngayon ang aktor na si Marco Alcaraz matapos niyang sumailalim sa swab test at nagpositibo sa COVID-19.

Marco Alcaraz, naka-quarantine matapos mag-positibo sa COVID-19 swab test

Naka-quarantine ngayon ang aktor na si Marco Alcaraz matapos niyang sumailalim sa swab test at nagpositibo sa COVID-19.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

03/26/2021 02:58 PM
Marco Alcaraz, naka-quarantine matapos mag-positibo sa COVID-19 swab test
Screenshot from The Alcaraz Family YouTube Channel

Naka-quarantine ngayon ang aktor na si Marco Alcaraz matapos niyang sumailalim sa swab test at nagpositibo sa COVID-19.

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Marco na nagpa-swab test siya matapos na ma-expose sa virus ang isang staff member sa lock-in taping nila sa Cavite.


"Positive po ako sa COVID. Sobrang di ako makapaniwala. Di ko matanggap na... wala akong nararamdaman, asymptomatic ako," kwento ni Marco.

"Ang hindi ko pa matanggap kasi for the 5 days na nag-isolate kami, may roommate po ako. And yung roommate ko nag-negative siya. Then ako nag-positive,” dagdag pa niya. 

Dahil dito, nag-desisyon umano si Marco na sumailalim sa saliva antigen test at RT-PCR test at parehong negatibo ang resulta.

“It turns out to be negative po ulit. Sobrang naguguluhan ako talaga," ani Marco.

Ayon sa aktor, para sa kaligtasan ng kanyang asawa na si Lara Quigaman at kanilang tatlong anak ay napagdesisyunan niyang kumpletuhin na lang ang kanyang 14-day quarantine. 

WATCH: The “precious” in Precious Lara Quigaman and Marco Alcaraz’s life

"Malungkot, oo. Miss na miss ko mga anak ko, definitely, lalo na po 'yung asawa ko. But I'm thankful po. I'm thankful to God na naka-quarantine po ako dito sa magandang lugar. It's also an opportunity na mag-reflect po ako rito," aniya.

"To all those who are watching, please be safe, be careful... I'm [also] asking for your prayers. Para sa akin, para po sa mga kasamahan ko rito, at para sa mga pamilya po namin," dagdag pa niya.