• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi na makapag-antay ang veteran actress-singer na si Sharon Cuneta na maging isang ganap na lola.

Sharon Cuneta, gusto na magkaroon ng apo mula kay KC Concepcion

Hindi na makapag-antay ang veteran actress-singer na si Sharon Cuneta na maging isang ganap na lola.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

03/25/2021 04:05 PM
Sharon Cuneta, gusto na magkaroon ng apo mula kay KC Concepcion
Photo credit: @reallysharoncuneta and @itskcconcepcion Instagram

Inamin ni Sharon Cuneta na gusto na niya magkaroon ng apo mula sa kanyang panganay na anak na si KC Concepcion.

Sa isang comment ng netizen sa kanyang Instagram post, kung saan nagbahagi si Sharon ng family photo nila ni KC at ng kanyang dating asawa na si Gabby Concepcion, sinabi ng Megastar na hindi na siya makapag-antay na maging isang ganap na lola. 

"Inip na inip na nga ako! Kahit magpa-surrogate na lang si Kayce masaya na ako basta eggs n'ya!" aniya.

Hindi ito ang unang pagkakataon na humirit ng apo si Sharon kay KC, na nakatakdang ipagdiwang ang kanyang ika-36 na kaaarawan sa darating na Abril.

BASAHIN: KC Concepcion hopes to build ‘never-never land’ for mom Sharon Cuneta someday

Sa isang panayam, sinabi ng veteran actress-singer: “I’ve been ready for a long time. She's the one that's not because I like babies. I can’t wait! I had a baby early. It has its pluses and minuses. But one of the pluses is getting to grow up with your kid."

“I was 19 when I had her. Para hindi masyadong malayo 'yung generation gap. And now, I think it's cool to be a lola before you hit 60,” dagdag niya.

Ngunit ayon kay Sharon, ayaw niyang madaliin si KC na magpakasal at magkaroon ng sariling pamilya dahil gusto niyang makatuluyan nito ang tamang tao para sa kanya.

Ultimately, you just want your kids to be happy in the right way. Huwag naman sa adik. At saka sana papakainin siya. Hindi naman kailangan mayaman na mayaman, pero responsible, 'yung aalagaan lang siya. That’s all you want. You just make sure that they grow up happy,” sabi niya.

Patuloy pa ni Sharon, matanda na umano ang kanyang anak para malaman kung ano ang makabubuti sa kanya.

"She had her share of emotional battles. So, I trust in her experience… But I tell her, ‘Anak, you know what, I just have to trust in the way I raised you because you have to take responsibility for your decisions also.’ Now, I think she has her share of pains, so she would know better,” aniya.