• Home
  • Fresh Scoops
  • Ikinuwento ni Slater Young ang kanyang naging karanasan noon kung saan nilooban ang kanilang bahay. 

Dating ‘PBB’ housemate Slater Young, ibinahagi na minsan nang nilooban ang bahay ng kanyang pamilya

Ikinuwento ni Slater Young ang kanyang naging karanasan noon kung saan nilooban ang kanilang bahay. 

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

03/25/2021 01:40 PM
Dating ‘PBB’ housemate Slater Young, ibinahagi na minsan nang nilooban ang bahay ng kanyang pamilya
Screenshot from Slater Young YouTube Channel

Binalikan ng dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Slater Young ang isang karanasan kung saan nilooban ang bahay ng kanyang pamilya.

Sa kanyang pinakabagong vlog na inilabas sa YouTube, ibinahagi ni Slater ang ilang tips kung paano masisigurong ligtas ang tahanan sa pamamagitan ng paglalagay ng iba’t-ibang device na may kaugnayan sa home security.  


READ: Slater Young and Kryz Uy feature their Cebu mansion in house tour vlog

Ani Slater, inilabas niya ang vlog na ito para hindi na ito maranasan ng kanyang mga tagasubaybay ang ganitong pagkakataon. 

We talk about home security and how we prevent home invasions from happening again,” ani Slater. 

Pagbabahagi ni Slater ng kanyang sariling karanasan, minsan nang pinasok ng magnanakaw ang bahay ng kanyang pamilya noon. 

So about four or five years ago, pinasukan ‘yung bahay namin ng magnanakaw. This was still in my parents’ house when I was living there. I was there at that time but pumasok siya sa room ng brothers ko, ng dad ko, ng sister ko, ng aunty ko who was staying with us,” ani Slater. 

“Kinuha niya lahat ng mga gamit na nasa side table, mga laptops, mga relo — everything. He just stopped because my sister woke up and nag eye-to-eye siya when he was trying to reach the purse on the table. Bigla siyang tumakbo,” dagdag pa niya. 

READ: Slater Young shares tips on how to save money when constructing a house

Nang mapanood ang CCTV footage, nalaman ni Slater na mayroon palang dalang baril ang nasabing magnanakaw. 

When we reviewed the CCTV footage, nakita namin na may baril siya. He had a flashlight in his mouth. And he was in our house for about two or three hours. So nakakatakot talaga. And after that, natrauma talaga kami. I had a few restless nights after that. And I’m sure my family members felt the same also,” saad niya. 

Panoorin ang kanyang buong kwento sa ibaba: 

Sa huli, sinabi ni Slater kung paano bakit importante na maglagay ng home security sa loob ng bahay.

Sambit niya: “I really feel safe at home with all these things that we have placed around our house and we can sleep soundly at night. Dapat kasi we always feel safe in our own home, ‘di ba?”