• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi mapigilan ni Morissette na mag-fangirl kay Teacher Dan.

PANOORIN: Morissette, sinorpresa ng online sensation na si Teacher Dan

Hindi mapigilan ni Morissette na mag-fangirl kay Teacher Dan.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

03/24/2021 12:45 PM
PANOORIN: Morissette, sinorpresa ng online sensation na si Teacher Dan

Isa ngayon sa mga pinag-uusapan sa social media ang guro na si Teacher Dan dahil sa kanyang mga nakakatuwang videos kung saan gumagawa siya ng mga nakakaaliw na tutorial videos ng iba’t-ibang kanta. At isa sa mga nag-viral ang hit na kanta ni Morissette na “Akin Ka Na Lang.” 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Morissette. (@itsmorissette)


 

Kaya naman sa pinakabagong episode ng I Feel U kung saan nagsilbing panauhin si Morissette, inanyayahan ng programa si Teacher Dan upang ma-meet niya ang Kapamilya singer. Ngunit imbis na si Teacher Dan ang mag-fangirl, hindi napigilan ni Morissette na magulat nang malaman dumalo sa programa ang online sensation. 

READ: Morissette Amon releases music video for her first 2021 single ‘Phoenix’

“Gusto ko ‘yung ako ‘yung nag-fafangirl,” saad ni Morissette. Nang tanungin kung bakit ganu’n na lang kalaki ang tuwa niya, sambit nito: “Siyempre pinapanood ko po siya eh.” 

Sa kanilang pagkikita, tinuruan ni Teacher Dan si Morissette kung paano awitin ang sarili niyang kanta. Panoorin ang kanilang nakakaaliw na pagtatagpo sa ibaba: 

Saad ni Teacher Dan kung ano ang masasabi niya kay Morissette bilang isang estudyante, sambit nito: “Okay naman po. Hindi po siya mahirap turuan.” 

Inamin naman ni Teacher Dan na labis ang kanyang tuwa sa kanilang virtual na pagkikita ni Morissette.

WATCH: Morissette drops acapella cover of ‘Driver’s License’

“Salamat dzai napansin ako. My god. Naturuan din kita finally. Kasi ‘yun talaga ang dream ko na maturuan kita,” aniya.