• Home
  • Fresh Scoops
  • Inamin ni Ivana Alawi na nagkaroon siya nang ka-date noon na nambastos sa isang waiter.

PANOORIN: Ivana Alawi, binalikan ang pakikipag-date sa isang aroganteng lalaki na nambastos sa isang waiter

Inamin ni Ivana Alawi na nagkaroon siya nang ka-date noon na nambastos sa isang waiter.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

03/24/2021 08:53 AM
PANOORIN: Ivana Alawi, binalikan ang pakikipag-date sa isang aroganteng lalaki na nambastos sa isang waiter
Screenshot from Celestine Gonzaga-Soriano YouTube Channel

Bilang bahagi ng Toni Talks series ni Toni Gonzaga para sa Buwan ng Kababaihan, nagsilbing panauhin ng TV host ang kapwa Kapamilya star na si Ivana Alawi upang ibahagi ang iba’t-ibang bagay tungkol sa kanyang sa sarili. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)


 

Isa sa mga bagay na pinag-usapan nila ay ang tungkol sa buhay pag-ibig ng sikat na YouTuber. 

“Ngiti. Physically ha,” ani Ivana tungkol sa mga katangian na napapansin niya agad sa isang lalaki. Dagdag pa niya: “Pero ‘yung sa guys ‘pag nakikita kong matalino or goal-driven.”

Pag-amin ni Ivana, marami na umano ang naghihikayat sa kanya na magkaroon ng isang banyagang nobyo. Ngunit paliwanag nito, mas gusto niya na Pilipino ang kanyang magiging future partner. 

“Noong dati, sabi nila ‘Mag-AFAM ka’ mga ganyan. Sabi ko ayaw ko ng AFAM. Gusto ko Pinoy. They are very loving and very caring. Most Pinoys are very family-oriented, and ‘yun ang gusto ko,” saad ni Ivana. 

Sa nasabing vlog, inamin din ni Ivana kung ano ang mga katangiang ayaw niya sa lalaki.

Pagbabahagi ni Ivana, ayaw niya sa mga lalakeng mayabang at isa umano sa pinakamalalang date experience niya noon ang nakipag-date umano siya sa isang lalaki na pinagmumura ang waiter sa isang restawran.  

READ: Ivana Alawi, bumuhos ang luha sa ginawang kabaitan ng maglalako ng kutsinta

“May time kasi na we were eating in a restaurant. Tapos pinagsisigawan niya 'yung waiter, pinagmumumura niya. Parang siguro he was trying to impress me pero hindi niya alam na sobrang na-turn off ako the way he treated that waiter.”

Dagdag pa niya: “Kung ganyan siya magtrato sa waiter, he could treat anyone else like that. He could treat me or my family. Ang lala niya. 'Yung waiter umiiyak. Nag-walk out ako, kinausap ko 'yung waiter nag-sorry ako. Ayaw ko na nakakakita ng ganu’n.”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

 

Bagama’t hindi importante sa kanya kung artista o hindi ang kanyang magiging future partner, inamin naman nito na mas gusto niyang pribado ang kanyang magiging karelasyon sa hinaharap. 

“I like having a private relationship kasi feeling ko kapag in-out agad namin, mabilis agad masisira, lalo na kung 'yung lalaki affected sa mga bashers or sa mga comments. Sinasabi ko lang na whether showbiz or non-showbiz, I want it to be private and I want it to be intimate,” ani Ivana. 

Samantala, inamin naman ni Ivana na wala siyang karelasyon ngayon. 

“Marami actually ang nagtatanong if nasa private relationship ako. No talaga, not yet. Dating? Ang tagal na nu’ng last date ko eh,” aniya. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

 

Sinabi naman ni Ivana na gusto niyang ang susunod niyang magiging karelasyon ay future husband na niya. 

“Gusto ko kung sino 'yung next relationship ko, siya na 'yung magiging asawa ko, siya na 'yung magiging tatay ng mga anak ko,” saad ni Ivana. 

READ: Ivana Alawi, pinag-shopping ang nagpaiyak sa kanya na kutsinta vendor

Pag-amin naman ni Ivana, gusto niya magkaroon nang anim o pitong anak. At sa ngayon, nakikita niyang may asawa na siya limang taon simula ngayon. 

“I think may asawa na ako. Pero five years from now, I think I’ll still be vlogging kung gusto pa ako panoorin ng mga tao. And also siguro I would put up my own business,” ani Ivana. 

Panoorin ang vlog ni Toni sa ibaba: 

Inamin naman ng Mea Culpa star na 17 anyos nang maranasan niya ang kanyang unang heartbreak. At kung may natutunan man siya sa kanyang naging karanasan na iyon, ito daw ang makinig sa kanyang ina.