• Home
  • Fresh Scoops
  • Maingat na si Gardo Versoza sa pag-react sa ilang political issues.

Gardo Versoza gustong makausap ang kaluluwa ni Christine Dacera

Maingat na si Gardo Versoza sa pag-react sa ilang political issues.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/24/2021 01:26 PM
Gardo Versoza gustong makausap ang kaluluwa ni Christine Dacera
Photo Credit: @gardo_versoza Instagram

Aminado ang aktor na si Gardo Versoza na very careful siya ngayon na magpahayag ng kanyang mga saloobin sa gobyerno at sa ilang politicial issues sa bansa. Ang dahilan, takot daw siyang mapag-initan.

“Baka kasi mailigpit ako,” matipid niyang reaksyon.

Sa huling interbyu ng PUSH kay Gardo ay tinuran niya na dapat ay tulungan ng gobyerno ang pagbubukas ng mga sinehan sa pamamagitan ng pagbibigay ng face mask or face shields sa mga manonood. Sadly, hindi natuloy ang pag-reopen ng cinemas dahil sa biglang pagdami ng covid-19 cases sa bansa.


Ayon kay Gardo, meron din naman daw siyang “bad side” na nagagamit niya sa pag-arte.

“Masarap siya kapag ginagawa sa rules, yun ang thankful ako. Yan yung, like, parang sinasabi mo nga na may good side tayo, may bad side.

“So, like yung real life, mahirap gawin yung mga dark side natin, mahirap ilabas. Unlike sa roles, dun mo naibubuhos lahat, kung ano yung mga hindi mo nagagawa. Dun mo siya nare-release, yun ang masarap,” lahad pa ng aktor.

“Meron din, marami ring bad side, lalo na yung regarding sa pulitika. Kaya lang, mahirap, eh, baka mailigpit ako bukas,” muli niyang reaksyon kung bakit tahimik siya ngayong magbigay ng opinion.

Isa si Gardo sa mga artistang kasama sa pelikulang Biyernes Santo na mag-i-stream sa Vivamax simula March 26. Sa tanong sa aktor kung kaninong kaluluwa o ispiritu ang gusto niyang makausap kung mabibigyan ng pagkakataon ay curious daw siyang tanungin ang namayapang flight stewardess na Christine Dacera at ang nanay niya.

READ: Gardo Versoza appeals for help from the government once the cinemas reopen

“Gusto ko sanang makausap yung nanay ko. Sasabihin ko sa kanya na nami-miss ko na siya, and itatanong ko kung kumusta ba ang mga kaganapan sa kabilang-buhay.

“Kung totoo bang may heaven, may hell. Kung ano yung mga hindi naeesplika dito sa atin, kumbaga, mabigyan ng linaw kapag tinanong ko sa kanya,” sambit ng aktor.

Dagdag niya, “Don naman sa flight attendant, gusto ko sanang tanungin kung sino yung nasa kabilang kuwarto. Kasi laging yung isang kuwarto lang ang nababanggit.

“Kung saka-sakali, yun sana ang gusto kong tanungin, kung sino yung laman ng kabilang kuwarto, curious lang ako.”

Kasama ni Gardo sa Biyernes Santo sina Ella Cruz, Andrea del Rosario at Mark Anthony Fernandez. The film is directed by Pedring Cruz.