• Home
  • Fresh Scoops
  • All set na para sa kanyang first single na “Pangako” si Alisah Bonaobra kasama ang Tawag ng Tanghalan singer na si Myko Manago.

X-Factor UK contestant Alisah Bonaobra and Myko Manago, team up for ‘Pangako’

All set na para sa kanyang first single na “Pangako” si Alisah Bonaobra kasama ang Tawag ng Tanghalan singer na si Myko Manago.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

03/23/2021 03:41 PM
X-Factor UK contestant Alisah Bonaobra and Myko Manago, team up for ‘Pangako’

Sa gitna ng COVID-19, isang bagong awitin ang handog ng singers na sina Alisah Bonaobra at Myko Manago.Si Alisah at Myko ay nagsanib puwersa para sa awiting “Pangako” under RJA Productions.

Kuwento ni Alisah at Myko, espesyal para sa kanila ang awiting “Pangako” lalo pa at nabuo ito sa gitna ng iba’t ibang pagsubok na pinagdaraanan natin ngayon.

 


 

“Personally noong nalaman po namin na mag record kami ng duet song, iba po talaga pag official (duet) hindi lang siya basta collaboration and cover sa YouTube, so sobrang at first kinabahan po, pero mas nangibabaw ang excitement tapos ngayon na release na Kaya sobrang thankful po ako,” bungad ni Alisah

Si Myko naman na nagsisimulang gumawa ng pangalan sa music scene matapos makilala sa pagsali niya sa Tawag ng Tanghalan, excitement rin ang naramdaman na finally natuloy ang kaniyang proyekto kasama si Alisah.

“Sobrang na excite ako, kasi first time na nakita ko si Alisah was way back noong guest pa siya sa isang TV network, contestant lang ako siya guest artist na, galing siya noon ng ‘X-Factor’, so noong nalaman ko na magkaroon kami ng kanta, sobrang, excited ko kasi makaka duet ko siya,” kuwento ni Myko.

 

 

At tulad nang maraming singers ngayon, unti-unti rin ang ginagawang adjustment ni Alisah at Myko sa kanilang mga personal na buhay nang dahil sa pandemya.

Pag-amin ni Alisah, maraming gigs at source of income sana ang nasagasaan dahil na rin sa suspension ng live events.

“With the adjustment po during this pandemic, ang dami sanang nga bookings and events ang na cancel so sayang po, pero actually hindi na po namin napansin during this pandemic. Kasi, sobrang ginawa po kaming busy ni Tita Isabela with singles and hindi na talaga namin na napansin na isang taon na pala ang nakalipas, so we’re really blessed with RJA Productions company po,” kwento ng singer.

Gaya ni Alisah, thankful rin si Myko sa naging gabay sa kanila ng RJA Productions ngayong humaharap sa krisis ang entertainment industry.

“Every first and last week of the month, meron kaming mga live shows na nagbibigay kami ng ng pa-premyo ang kumakanta rin kami para sa mga suppporters namin. Pero Siyempre namimis pa rin namin ‘yung face to face gig kasi ‘yung human interaction talaga ang pinaka namimis mo. Sa live streams kasi, ang kaharap mo lang, camera, iba pa rin talaga pag face to face,” ani Myko.

Sa huli, ibinahagi rin ni Alisah ang tila isang sikreto niya sa naging adjustment sa pagkanta sa harapan lamang ng mga camera.

“Nakapag adjust ako by just imagining na andyan sila sa harapan ko sila,” pabirong sambit ni Alisah. Sundot pa niya; “kasi iiral talaga ang power of imagination mo. Sa mga comments nila makikita mo rin po kung gaano sila kasaya,”pahayag pa ng singer.

Mapapanood na ang official music video ng “Pangako” ni Alisah at Myko sa YouTube.