• Home
  • Fresh Scoops
  • Ginulat ni Karla Estrada ang kanyang mga tagahanga nang ibinahagi niya ang resulta ng kanyang weight-loss journey.

Karla Estrada, ibinida ang resulta ng kanyang pagbabawas ng timbang

Ginulat ni Karla Estrada ang kanyang mga tagahanga nang ibinahagi niya ang resulta ng kanyang weight-loss journey.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

03/22/2021 05:08 PM
Karla Estrada, ibinida ang resulta ng kanyang pagbabawas ng timbang
Photo credit: @karlaestrada1121 IG

Ginulat ni Karla Estrada ang kanyang mga tagahanga nang ibinahagi niya ang resulta ng kanyang weight-loss journey.

Sa Instagram nitong Biyernes, Marso 19, nag-post ang 46 anyos na actress-host ng kanyang before-and-after photos mula 2020 at 2021.

"Before and after keme. Kala niyo ha! Kahit konting achievement ipagmalaki mo! Diyan lahat nag-uumpisa yan," sabi ni Karla sa caption.


"Let's go mga momshie!!! 'Wag na masyado madaming dahilan! LABAN PARA SA KALUSUGAN!!!" patuloy pa niya.

 

 

Sa ngayon ay mahigit sa 52,000 na ang nag-"like" ng kanyang post.

Hindi lang ang kanyang mga tagahanga kundi maging ang kanyang mga kapwa artista ang namangha at na-inspire sa kanyang weight loss. 

"Sobrang sexy baya," ani Melai Cantiveros na co-host ni Karla sa Magandang Buhay.

"Celebrate what your body can do for you! Keep strong, sexy, happy and healthy, QMF!" sabi naman ng Ang Sa Iyo Ay Akin star na si Iza Calzado.

"Go mareeee!!!" dagdag ng aktres at kanyang malapit na kaibigan na si Ruffa Gutierrez.

Base sa kanyang posts, cardio, boxing, at weight training ang ginagawa ni Karla upang makapag-bawas ng timbang. 

 

 

 

 

 

 

BASAHIN: Karla Estrada congratulates Magui Ford for being accepted at Australia’s No. 1 university

Noong 2016, sinabi ni Karla na para sa kanyang mga anak kaya nais niyang maging fit at healthy.

"Para na din tumagal ako, at siyempre para ma-enjoy ko pa ang life ko na matagal na matagal for my children," aniya.