• Home
  • Fresh Scoops
  • Vin Abrenica on fatherhood: ‘Nabago yung perspective ko sa buhay.’

Vin Abrenica shares how fatherhood changes his perspective in life

Vin Abrenica on fatherhood: ‘Nabago yung perspective ko sa buhay.’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/21/2021 03:42 PM
Vin Abrenica shares how fatherhood changes his perspective in life
Photo credit: @vinabrenica and @itsshophiealbert Instagram

Ang pelikulang Nelia ng A and Q Production Films, Inc. ang first film ni Vin Abrenica pagkatapos niyang maging isang ama.

Actually, this is my first na trabaho. Naging tatay lang ako five days ago,” kuwento ni Vin sa PUSH.

Ipinanganak ang panganay nina Vin at Sophie Albert na isang bouncing baby girl noong March 15, 2021. Ayon kay Vin nung nakausap namin siya sa virtual mediacon ng Nelia ay wala pa raw pangalan ang bata. Ang girlfriend daw niya ang magbibigay ng pangalan sa sanggol.


In our eight years of relationship bilang boyfriend-girlfriend ngayon it’s so nice na magkaroon kami ng baby and everyday minamahal namin yung bata. Everyday din we love each other more,” lahad pa ni Vin sa ligayang hatid ng kanilang first-born child.

Paano ba nabago ng fatherhood ang perspective niya sa buhay ngayon?

Sagot ng aktor, “Nabago yung perspective ko sa buhay in a way na nung pinanganak siya madami akong mga naging realizations sa buhay. Na usually, ang iniisip ko lang… alam mo yon, na ang iniisip lang natin ay mga sarili natin. Ngayon, ang iniisip ko na is I’m not living my life for myself. I’m now living my life for her, my daughter.

“At sobrang naging saludo ako at lalo kong minahal ang parents ko, my mom, my dad. Nag-iba yung pagtingin ko talaga, kasi hindi biro talaga ang maging isang magulang. Pero one thing I can share for sure is it’s the most fulfilling talaga,” deklara pa ni Vin.

Inamin din ni Vin na may tendency raw na maging spoiler dad siya.

“Oo. Ngayon pa lang nag-aaway na kami ni Sophie about that,” natatawang pahayag ni Vin sa PUSH.

Humingi ba siya ng advice sa kapatid na si Aljur kung paano mag-alaga ng bata since una itong naging ama kesa sa kanya?

Actually, medyo sanay na ako sa pag-aalaga ng bata kasi meron akong mga younger siblings na ako talaga ang nagpapalit ng diapers,” sagot niya.

“It’s been five days of no sleep but… yung first two days, three days hindi talaga kaya, naduduling na ako but ngayon kaya na. Ang feeling ko kasi kahit sobrang nakakapagod but it’s the most rewarding thing na talagang every second sinusulit ko kasi sobrang sarap lang,” paliwanag pa niya.

Samantala, bukod kay Vin ay kasama rin sa Nelia si Winwyn Marquez bilang bida ng pelikula, Raymond Bagatsing, Lloyd Samartino, Ali Forbes, Mon Confiado, Shido Roxas, at Dexter Doria.

The film  is written by Atty. Melanie Quino who also produced the film together with Atty. Aldwin Alegre. Si Lester Dimaranan naman ang director ng pelikula.