• Home
  • Fresh Scoops
  • Suot-suot ang damit na dilaw, kulay na simbolo ng kanyang mga magulang, sinabi ni Kris Aquino na handa na siyang lumaban ngayon.

‘I am willing to go to war’: Kris Aquino, binasag ang katahimikan tungkol sa pambabash sa kanyang mga anak, usaping politikal

Suot-suot ang damit na dilaw, kulay na simbolo ng kanyang mga magulang, sinabi ni Kris Aquino na handa na siyang lumaban ngayon.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

03/21/2021 09:01 PM
‘I am willing to go to war’: Kris Aquino, binasag ang katahimikan tungkol sa pambabash sa kanyang mga anak, usaping politikal
Photo Credit: @Kris Aquino on Facebook

“Tama na, sobra na, lalaban na.”

Ito ang mga huling salitang iniwan ni Kris Aquino sa kanyang inaabangang tell-all video na nilabas Linggo ng hapon, Marso 21.

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

 

Nagsalita na si Kris Aquino kaugnay sa sunod-sunod na pambabash na natanggap niya at ng kanyang mga anak.

Ani Kris, sinubukan niyang manahimik ngunit hindi niya na kinaya nang mga anak niya na ang nakatanggap ng aniya’y pambabalahura.

“Nanay ako na binabalahura na ang mga anak. Sinubukan ko to shut up para huwag na ‘tong humaba. But shutting up ‘cause me even more stressed. In just one week, OA sa pagka-malicious ang pag-target sa panganay at sa bunso ko. Inisip siguro mag-imbento tungkol sa panganay at tawaging bakla ang bunso, titiklop na ang nanay,” saad ni Kris.

Read: ‘Leave my children alone’: Kris Aquino, nagpatutsada sa mga bully sa social media

“Now, I am ready to name names. Kuya Josh happens to very happy in Tarlac. He is not there para mag-establish ako ng presence in the same province where my brother and my father started their public service journeys. Pero kahit walang pangalan, walang picture, walang detalye, naglabas ng video sa YouTube na merong nabuntis si Kuya Josh,” dagdag pa niya.

Pagpapatuloy ni Kris: “Now, my bunso, si Bimb. Bulliying a 13-year-old dahil sa tingin nila na bakla siya. Utang na loob naman, this is 2021. We are living in 2021. Bimb is tall, he is good-looking, he is well-educated, he is intelligent. First honor siya, ‘di ba? He is articulate respectful. Hindi siya palamura. And he happens to be very mature. 13 years old lang siya. Nakakahiya mang aminin, pero siya ang gumagawa ng lahat ng paraan para lang gumaan ang mga problema ko at para mapaligaya niya ako.”
Saad ni Kris, hindi titigil ang mga taong sa pagpapalabas ng kasinungalingan tungkol sa kanyang pamilya kaya naman napagdesisyunan niyang magsalita.

“After my time thinking, luminaw. I was being tested. Na-pinpoint kasi what was my vulnerability. It’s simple. It’s how much I love my sons. Alam kasi ng lahat, ako lang ang meron sila. I am exhausted from reading comments na ignore them or choose your battles. Please, I ask you, I know you mean well, but please do not decide for me because they are not your sons. Ako ang nanay nila. So I made my choice for my sons in order for me to defend them, I know I am willing to go to war because hindi nila fault na they cannot count on their fathers. Hindi nila choice na ang nanay nila, ang apelyido Aquino. Hindi nila kasalanan that the lies about my family will continue until history gets completely rewritten,” saad ni Kris.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

 

Hindi naman umano niya inasahan na uungkatin ang kanyang nakaraan para lang sirain ang kanyang pangalan kabilang na ang kanyang pag-amin noon nagkaroon siya ng sexually transmitted disease (STD).

“Nagbanggit lang ako ng yellow brick road in an artcard, default mode na ang line of attack. ‘Yung STD lumabas na. Akala ko pa naman nag-iisip. May I explain? Bala ‘yan na laban sa akin. Pwede ‘yan paputukin kung tinago ko. You can use it against me if it was a skeleton I hid in my closet. But that happened 18 years ago. Ako mismo ang nag-tell all. I did that live on TV Patrol in my mother’s house. That is an iconic interview. Alam kong iconic dahil noong panahong na iyon, halos buong Pilipinas tumigil at nakinig at nanood sa akin,” saad ni Kris.

Read: ‘Names will be named’: Kris Aquino says about what to expect from her tell-all video

“So how can you use something that I revealed about myself against me? ‘Yun ang advantage kasi eh of having lived an open book life. Wala kang kinakatakutan na pwede pang maibulgar kasi lahat ng sinabi nilang kahinaan mo o mga kasalanan mo, alam na ng lahat,” sambit ni Kris.

Pagpapatuloy pa niya: “The lesson here is, when you tell the truth, regardless of how painful it may be or how humiliating it can be, at least you are assured na hindi ka matatakot sa bukas. You will never fear tomorrow ‘cause you faced up to it when it was happening.”

Watch the video below: 

Nilinaw naman ni Kris na walang dapat ikagalit sa kanya ang mga Diehard Duterte Supporters o DDS dahil alam niya kung sino ang nagpupursiging siraan ang pangalan niya at ng kanyang pamilya.

“President Duterte started his political rise during my mom’s administration. Legacy po ng nanay o ang peaceful transition of power. This yellow … nagbuwis-buhay ang dad and mom ko for our country. At ito ang kulay nila. And this is for that reason that I will not allow anybody to taint the symbol of their sacrifice,” ani Kris.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

 

Dagdag pa niya: “I have no party affiliation. Pero alam ko kung sino ang napatalsik at gustong-gusto kaming gantihan dahil kulang para sa kanila na pinapatay nila ang Dad ko. That is not President Duterte because alam ko, never ko siyang binanatan. So para po sa mga DDS, wala tayong reason na maging magkaaway.”

Bagama’t hindi malinaw ang mesahe ni Kris, sinabi nito sa bandang huli na handa na siyang lumaban.