TINGNAN: Ivana Alawi, pinag-shopping ang nagpaiyak sa kanya na kutsinta vendor

Muling nagkita sina Ivana Alawi at si Mang Joselito.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

03/20/2021 04:18 PM
TINGNAN: Ivana Alawi, pinag-shopping ang nagpaiyak sa kanya na kutsinta vendor
Photo credit: @ivanaacanada Instagram

Kumakalat ngayon sa social media ang mga litrato ni Ivana Alawi kasama ang trending na street vendor na nagpaiyak sa kanya. 

Matapos ang kanilang nakakaantig na tagpo, muling nagkita sina Ivana Alawi at ang maglalako ng kakanin na si Joselito Martinez. 


PANOORIN: Ivana Alawi, bumuhos ang luha sa ginawang kabaitan ng maglalako ng kutsinta

Matatandaang bumuhos ang luha ni Ivana matapos siyang bigyan ng pera, kutsintang ibinebenta maliban pa sa alok nitong bilhan siya ng soft drinks sa kalapit na tindahan.

Sa mga ibinahaging litrato ng mga tagahanga ng Kapamilya star, makikitang kasama nito si Mang Joselito sa loob ng isang appliance center. May mga litrato rin si Ivana na nakasakay sa isang motor. Paniwala naman ng mga netizens, para kay Mang Joselito ang lahat ng pinamili ni Ivana. Maliban rito, may mga video din na ibinahagi ang ilang netizens kung saan makikitang kasama niya itong kumain. 

Tingnan ang mga litrato sa ibaba: 

Unang nagkita sina Ivana at Mang Joselito sa kalsada matapos na magpanggap si Ivana na isang namamalimos na babae na galing Baguio. 

“Sobrang bait niyo. Tatay, pinaiyak niyo ako,” tugon ni Ivana kay Mang Joselito dahil sa ginawang pagtulong nito sa kanya.

PANOORIN: Ivana Alawi, namigay ng tig-10,000 pesos sa mga delivery riders

Ganyan talaga ako Ma’am ‘pag may nanghihingi ng tulong sa akin. Binibigyan ko,” sambit ni Joselito. 

Tubong Ormoc, naninirahan ngayon si Mang Joselito sa Laguna kasama ang kanyang pamilya.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 14 milyong views ang vlog ni Ivana.