• Home
  • Fresh Scoops
  • Sharon Cuneta recalls missing out on her youth and single life after she became a mom at 19.

Sharon Cuneta recounts being a young mom and not finishing college course

Sharon Cuneta recalls missing out on her youth and single life after she became a mom at 19.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/20/2021 12:39 PM
Sharon Cuneta recounts being a young mom and not finishing college course
Photo credit: @reallysharoncuneta Instagram

Nineteen years old pa lang noon si Sharon Cuneta nang ipanganak niya ang panganay na si KC Concepcion. Si KC ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan ng dating karelasyong aktor na si Gabby Concepcion.

Bukod sa pagiging batang ina ni Sharon ay maaga rin siyang sumabak sa pagtatrabaho sa showbiz kaya aminado siyang talagang na-miss out niya raw ang kanyang kabataan at single life.

“Absolutely… absolutely!” pag-amin ng Megastar. “Because I was already working – I was going to school, going to work, going to school, going to work noon. And when you’re working with your leading man yon lang ang nakikita mo. So yung magiging boyfriend mo, leading man mo.


“Tapos pag nag-break kayo ang magiging next boyfriend mo leading man mo rin ulit. I only had two boyfriends na wala sa showbiz, eh… Absolutely, I feel like I missed out,” pagbabalik-tanaw ni Sharon sa takbo ng buhay niya noon.

Pagkatapos iwanan ni Sharon ang pag-aaral ay binalikan niya raw ito kaya lang hindi na niya natapos ang college.

I had to leave school because I got married at 18, I was in 11th grade. So I had to take an exam with the Department of Education for a placement test na if I pass it would have allowed me to enter college. And of course, I passed it so I was able to take up some college courses in UP (Open University).

That’s one thing lang, hindi ako nakatapos pero ang dami namang nag-aaral para makakuha ng trabaho after. I just did it the other way around. Tapos nung hindi ako nakatapos, kasi may babies na ako, eh, it was taking time away from….

Imagine Miel’s first birthday I was doing a paper for UPOU, nagpa-party sila sa baba pero may deadline ako, so parang I can’t do this. Parang ang hirap,” rason ni Sharon kung bakit hindi na tinapos ang kolehiyo.

May mga ginagawa namang paraan si Sharon para maging updated at makasabay kahit papaano sa mabilis na takbo ng panahon lalo na ngayong millennial era.

Pagbabahagi niya, “Up to now I keep reading, learning, watching things that educate me. I never ever wanna stop learning. I never even want to just be frozen in time, no! I want to know what’s going on in my world.

Everyday I watch the news. Everyday I have to read something. Everyday I have to ask my children what they think of something or what is new. Because they might know things and usually they do know things that I don’t kasi ibang edad, di ba? It’s [not] nice to be out of touch with what’s really going on.”

Dagdag pa ni Sharon, “I think I was book smart on school but I appreciate more than I’m street smart. I’d rather be wise than super intelligent, but thankfully I think I’m also a little intelligent. Hahaha! I like wisdom over book knowledge.”

Bida si Sharon  sa pelikulang Revirginized ng Viva Films under the direction of Darryl Yap.