• Home
  • Fresh Scoops
  • Muntik na daw talikuran ni Rhen Escano ang showbiz bago siya nakasama sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.

Coco Martin naka-relate sa pinagdaanan ni Rhen Escano

Muntik na daw talikuran ni Rhen Escano ang showbiz bago siya nakasama sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/20/2021 08:32 PM
Coco Martin naka-relate sa pinagdaanan ni Rhen Escano
Photo Credit: @cocomartin_ph and @realrhen on IG

Inamin ng aktres ng FPJ’s Ang Probinsyano na si Rhen Escano sa PUSH na muntik na niyang talikuran ang showbiz noon dahil kahit anong subok niya ay wala namang nangyayari. Mabuti na lang daw at nabigyan siya ng pagkakataon sa FPJAP kaya ngayon ay meron na raw siyang ipagmamalaki kahit papaano.

Read: Rhen Escano nagpasalamat kay Coco Martin sa bonggang death scene sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Sa seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin sa Kapamilya network ay ginagampanan ni Rhen ang karakter ni Clarisse, ang babaing may crush kay Coco Martin na anak nina Ara Mina at Tirso Cruz III. 


Pagre-recall ni Rhen, “Dumating po talaga ako sa point before na parang ayoko na. Gusto ko nang mag-stop. 

So, nung pumasok po ako sa show na yon, parang pinaramdam sa akin ng lahat ng tao, nila Direk Coco at lahat na nangyayari na, ‘Dapat hindi ka tumigil dahil para sa ’yo ‘to. Kung anong ginagalawan mo ngayon, parang may spot ka.’ Pinaramdam nila yon sa akin na, ‘Don’t give up on your dreams. Magtiwala ka sa sarili mo dahil kaya mo.’” 

Inamin din ng dalaga na may mga pagkakataong nagda-doubt siya sa kanyang kakayahan bilang aktres pero natulungan daw siya ng co-actors niya  tanggalin ang mga pagdududa. 

Kasi before po, ang dami kong doubts, eh, na baka hindi ko kaya or baka hindi talaga siya para sa akin. But eventually, nakilala ko ‘tong mga taong ‘to, and naging part ako ng show na and doon ko naramdaman na buti na lang hindi ako nag-give-up

Sa dami na nang pumasok (sa serye) kung iisipin mo talaga sobrang suwerte ko na binigyan ako ng ganu’ng spotlight, ng ganu’ng chance, ng ganu’ng pagkakataon. Kasi sino po ba ako, di ba? Hindi naman nila alam kung Sino ba si Rhen? Anong kaya niyang gawin? 

Pero nagtiwala sila. Pinaramdam nila sa akin yon. Yung binigay nila sa aking confidence and maramdaman ko sa sarili ko na don’t give up kasi someday magagawa mo, you’ll get there. Yon ‘yong binigay nila sa akin bago ako umalis doon,” lahad ng dalaga na kare-renew lang ng kontrata sa Viva. 

Personal din daw silang nagkakausap ni Coco at may mga advice na binibigay sa kanya ang actor-director. 

Lagi niya akong kinakausap. Kung advice lang po ang pag-uusapan, sobrang dami po. Lagi niyang sinasabi sa akin, ‘Rhen, kung saan ka kasi nagsimula, diyan din ako, eh. Yung path na tinatahak mo, halos pareho sa kung anuman yung tinahak ko

So, ikinuwento niya kung anong naging journey niya, ‘Nag-start ako ganito, all out. Mas malala pa sa ginawa mo pero tingnan mo ako ngayon.’ So, yung pinakapayo niya is, ‘Mag-focus ka sa trabaho mo, maging propesyonal ka, gawin mo lahat ng makakaya mo,’” pahayag ni Rhen. 

niya, “Lagi niyang sinasabi sa akin na, ‘Magtiwala ka dahil kung kami na mga nasa paligid mo naniniwala kami sa ’yo, kailangan maniwala ka rin sa sarili mo dahil someday alam namin na makukuha mo.’ 

Lagi po niyang ipinaparamdam sa akin yun na, someday, magagawa ko talaga. So I’m blessed and thankful,” huling pahayag ni Rhen sa PUSH.