• Home
  • Fresh Scoops
  • Bahagi ang pagrampa ni Paolo Ballesteros sa ginagawang training ng kaniyang pambato sa Binibining Pilipinas.

PANOORIN: Paolo Ballesteros, rumampa ala beauty queen

Bahagi ang pagrampa ni Paolo Ballesteros sa ginagawang training ng kaniyang pambato sa Binibining Pilipinas.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

03/02/2021 07:20 PM
PANOORIN: Paolo Ballesteros, rumampa ala beauty queen
Photo Credit: @pochoy_29 Instagram

All out support ngayon ang TV personality na si Paolo Ballesteros para sa kaniyang pambato sa Binibining Pilipinas na si Honey Cartasano.

Si Honey ang isa sa mga kandidata ng Binibining Pilipinas 2020 na nag nanais makasungkit ng titulo sa ilalim ng Binibining Pilipinas.

Sa recent Instagram post ng TV host, makikita ang hands on coaching ni Paolo sa beauty queen .


“Sunday lakad with binibini29,” sambit ni Paolo sa caption na sinundan na heart emoji.

 

 

Bukod sa hands on rampahan training sessions, nagpamalas na rin ng kaniyang talento si Paolo bilang costume designer ng Binibini candidate.

 

 

Si Honey Cartasano ay isa lamang sa mga kandidatang rarampa sa nalalapit na coronation night ng Binibining Pilipinas ngayong April 17, 2021.