• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi napigilan ni Dimples Romana ang maging emosyonal habang ipinagmamalaki ang kanyang panganay na anak na si Callie.

Dimples Romana, emosyonal na ipinagmalaki ang anak na si Callie

Hindi napigilan ni Dimples Romana ang maging emosyonal habang ipinagmamalaki ang kanyang panganay na anak na si Callie.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

03/02/2021 09:28 AM
Dimples Romana, emosyonal na ipinagmalaki ang anak na si Callie

Hindi napigilan ni Dimples Romana ang maging emosyonal habang ipinagmamalaki ang kanyang panganay na anak na si Callie.

Sa Magandang Buhay nitong Lunes, Marso 1, natanong ang aktres kung ano ang nararamdaman niya na sa murang edad ay isa nang ganap na entrepreneur ang kanyang anak.

 


 

"'Yung totoo, nagugulat ako. Noon pong nag-media conference, 'di ba kapag media conference iniisip mo, dahil ako 'yung artista, maraming tanong sa akin. Pero ate... halos lahat ng tinanong nila ay si Callie. At ako, para bang natulala ako na anak ko itong nagsasalita. Anak ko ito. Parang... 'yun bang walang mapagsidlan ang saya ng puso ko na itong teammate kong si Boyet—ano kami, we are a team—we made this possible for her," ani Dimples.

Patuloy ng aktres: "Kasi, much as I want to be with Callie every step of the way, I can't be there for her. But to know that she can handle herself this way and that she cares for other people, makes me very proud as a parent. Puwede pala 'yun, 'yun bang hindi kami pareho ng expression ng sarili pero ang galing galing niya, ang husay husay niya.

"Every time I see Callie I feel like I've done something right," dagdag pa niya.

Disyembre noong nakaraang taon nang inilusad ni Callie ang sariling koleksyon niya ng rattan bags.

READ: Dimples Romana’s daughter Callie launches business supporting local artisans

"It really started po talaga around Feb 2019. So I started it super long ago po tapos weird because it only really materialized po during the pandemic, which you wouldn't expect," kwento ni Callie, na ibinahagi rin ang mga hamon na pinagdaanan niya habang binubuo ang kanyang negosyo.

"I'm okay with it naman po, that it took really long because considering that I was only 15 or 16 then, and I had a lot of people say na, 'Oh, sorry. We can't supply you if you don't work for a company.' When I told them that I was 15 lang or 16, they were like, 'No, sorry. We can't do that.'" 

Ayon naman kay Dimples, kahit pa nahirapan sa kanyang negosyo ay minabuti pa rin ni Callie na hindi humingi ng tulong sa kanya. 

"Hindi niya rin ako masyadong sinasama nung time na 'yun. I guess because Callie, the way she wanted to go about things is that she really wanted to build it on her own. Parang iniwasan niya rin, na I won't be there beside her and sabi nga niya, 'Mama, you know, some of the suppliers they're not paying attention to me maybe because I'm young.' Tapos sabi ko, 'Do you need help? Do you want me to be there?' And sasabihin naman niya, 'No, ma, no. I want to do this on my own.' So ako naman, nirespeto ko 'yun kasi ayaw ko rin ni Cal na parang I'm hovering what she's doing," aniya.

"Feeling ko, for kids, when we let them be on their own, and we let them decide and practice for them to parang have their own stand on things, it's easier for them to maneuver and really express themselves," sabi pa niya.

Nagpapasalamat naman si Callie sa kanyang mga magulang para sa kanilang walang sawang pagmamahal at suporta.

"I'm super grateful, like, beyond words po. I think I just translate it through hugs or handwritten letters," ani Callie.

"It really is beyond words na they really took the time to—out of their busy schedules, especially Ma—to help me, and even if they don't directly help me, they're just there. Whenever I encounter any problems, they're there to console me. I'm grateful for everything," patuloy pa niya.