• Home
  • Fresh Scoops
  • Tila kompirmado na ang pag-atras ng pambato ng Negros Occidental sa Binibining Pilipinas.

Vickie Rushton, out na sa Binibining Pilipinas?

Tila kompirmado na ang pag-atras ng pambato ng Negros Occidental sa Binibining Pilipinas.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

03/19/2021 05:49 PM
Vickie Rushton, out na sa Binibining Pilipinas?
Photo Credit: @vimrushton on IG

You will always be the Binibini queen we never crowned.” 

Ganito ang naging pahayag ng pageant enthusiast at lifestyle columnist na si Voltaire Tayag sa kaniyang recent Instagram post.  

Dito, tila na kompirma na ang pag-atras ng beauty queen-actress na si Vickie Rushton sa laban nito sa Binibining Pilipinas dahil sa age restrictions sa iba’t ibang international pageant sa ilalim ng Binibining Pilipinas Charities Inc. 


Read: Bb. Pilipinas 2020 pageant postponed 

Sa nasabing post, ramdam ang malaking panghihinayang ni Tayag sa magandang laban sana ng pambato ng Negros Occidental sa nalalapit na coronation night ng Binibining Pilipinas. 

Kalakip ang personal na retrato ni Tayag suot ang sash ng kandidata, tila tuluyan nang nakapag desisyon si Rushton na hindi na ituloy ang laban sa Binibining Pilipinas. 

 

 

When I saw your sash hanging on the rack, I could help but to think what your journey could have been. You were always so sweet and nice every time we saw each other,” bahagi ng pahayag ng lifestyle journalist. 

Patuloy pa niya sa post: “This phase in your life may be over but the rest of amazing future has just begun,” sambit pa ni Tayag sa post. “I wish you all the best in everything you do Vickie.

Taong 2018 nang unang sumabak si Vickie sa Binibining Pilipinas at muling sumabak noong 2019 kung saan nasungkit niya ang first runner up placing. 

Read: Binibining Pilipinas, tuloy ngayong 2021

Hindi man inasahan ito para sa pageant career ni Vickie dahil sa sunod-sunod na naging postponement ng local pageants dahil na rin sa COVID-19 lockdowns noong 2020, nanatili pa rin ang naging suporta ng beauty queen para sa kaniyang laban. 

 

Sa mga old social media post ni Vickie, buong buo ang suporta ng kaniyang fans na naniniwalang masusungkit niya ang isa sa mga korona sa ilalim ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated. 

Sa ngayon nanatiling tahimik si Vickie at Binibining Pilipinas Charities Incorporated sa usaping ito.