• Home
  • Fresh Scoops
  • Aminadong natatakot si Ella Cruz tuwing may ritual na gagawin sa mga eksena niya sa bagong horror film.

Ella Cruz nagpabantay sa spiritual advisor sa syuting ng horror film na ‘Biyernes Santo’

Aminadong natatakot si Ella Cruz tuwing may ritual na gagawin sa mga eksena niya sa bagong horror film.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/19/2021 04:52 PM
Ella Cruz nagpabantay sa spiritual advisor sa syuting ng horror film na ‘Biyernes Santo’
Photo Credit: @ellacruz Instagram

Kinailangan ni Ella Cruz ng spiritual advisor sa set habang nagsusyuting ng horror film na Biyernes Santo. Ito ay para raw magkaroon siya ng guide at hindi saniban ng mga totoong ispiritu sa ginagawang pelikula ng Viva Films na idinirek ni Pedreng Lopez.

Ginagampanan ni Ella ang role ng isang ispiritista sa Biyernes Santo na madalas gumagawa ng mga ritual bago makipag-usap sa mga ipiritu.

“Meron kaming consultant po na healer din. Kinailangan ko po siyang kausapin. Kasi, I do all the rituals sa film, then nung sinasabi niya po yon doon ako naiyak, kasi siyempre, doing all the rituals is like waking up or shaking the spirits around kahit na naniniwala ka or hindi.


“So, doon ako natakot na sabi ko kailangan ko ng guide kasi baka mamaya di ba? Usually what happens when you’re doing horror films, kunwari may na-e-exorcist biglang sila din natutuloy. Natatakot ako na ganu’n mangyari sa akin,” kuwento sa PUSH ni Ella sa ginanap na virtual mediacon ng Biyernes Santo.

May sinusuot din daw siyang mabisang proteksyon para hindi saniban.

Ani Ella, “Good thing kinausap ko po yung kakilala nila Direk. Nagtanong ako, sabi ko, ‘Paano mas mapoprotektahan?’ Sabi niya, prayers lang talaga. So I have a St. Benedict na pendant na I’m wearing. Makikita ninyo po sa mismong movie suot ko talaga siya. Hindi na pinatanggal sa akin ni Direk. So, yon talaga yung protection ko.

“And dumating din sa point na bawat eksena talaga na gagawa ng ritual, nagpe-pray talaga ako. Naalala ko nu’ng last time na pinag-prayer ako ni Direk sa morning, umiyak talaga ako sa sobrang takot ko na baka kung ano ang mangyari sa akin.”

Bagama’t feeling protected, hindi pa rin daw maiwasan ni Ella na makaramdam ng takot every now and then lalo pa’t ang bahay na pinagsu-shoot-an nila ay siya na ding venue ng lock-in shoot. Meaning, iyon na rin ang nagsilbing “hotel” nila para maiwasan naman ang makahalubilo pa sa ibang tao.

“Kasi sa bahay kami naka-lock in mismo. So, parang sabi ko, ‘Kaya ko ba ito? Dito kami nagsu-shoot, dito ’yong horror [scenes] ta’s dito din kami matutulog? Pero ’yon nagtiwala na lang din po ako, nagdasal po ako and good thing talaga walang mga ka-tatakutang naganap. Na-survive ko naman po siya.”

Kuwento pa ni Ella, nagugulat siya tuwing napapanood ang trailer ng Biyernes Santo. Hindi rin siya sigurado kung papanoorin ng buo ang pelikula.

“Nu’ng napanood ko po yung trailer, kahit ilang beses ko ng napanood yung trailer, nagugulat at natatakot pa rin po ako doon sa eksena nung Mama Mary na istatuwa at saka yong baby na duguan. Kasi yon na yong point na, ‘Okey, natapos kong i-shoot yung film.’

“Pero after the film, hindi ko alam kung kaya kong panoorin yung mismong film with all the effects plus yung mga eksena na hindi ko po alam. So, yon, hindi ko po alam kung kaya ko po siyang panoorin,” pahayag pa ng aktres.

Ipinagtataka naman ni Ella na kahit hindi siya fan ng mga horror films ay ganitong klaseng pelikula ang ibinibigay sa kanya ng Viva.

“I never watch a horror film. Hindi ko po talaga kaya. Pero hindi ko alam bakit ang daming binibigay na horror films sa akin ng Viva,” natatawa niyang reaksyon.

READ: Mark Anthony Fernandez kinarir ang pagpapapayat

Kasama rin sa cast ng horror film na streaming sa Vivamax simula March 26 sina  Gardo Versoza, Mark Anthony Fernandez, Andrea del Rosario. Introducing naman sa pelikula si Via Ortega.