• Home
  • Fresh Scoops
  • Mimiyuuuh on homophobic relatives: ‘Ngayon po nag-uunahan na silang magpa-picture sa akin’

Mimiyuuh umaming nakaranas ng pambu-bully mula sa mga homophobic relatives

Mimiyuuuh on homophobic relatives: ‘Ngayon po nag-uunahan na silang magpa-picture sa akin’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/18/2021 01:58 PM
Mimiyuuh umaming nakaranas ng pambu-bully mula sa mga homophobic relatives
Photo Credit: @mimiyuuuh Instagram

Nakaranas din ng pambabastos at pambu-bully mula mismo sa kanyang mga kapamilya ang social media influencer at sikat na vlogger na si Mimiyuuuh. Ito ay dahil daw sa kanyang gender—ang pagiging bakla o beki.

Naiintindihan naman daw niya na meron talagang mga ganung tao na homophobic or takot sa bakla, pero hindi niya raw ito pinag-aaksayahan ng panahon.

“I just don’t deal with them, you know what I’m saying? No deal! Pero siyempre hindi naman po talaga mawawala yung mga homophobic nating tito,” pagsisiwalat ni Mimiyuuuh sa kanyang vlog.


“And guess what? Ngayon po nag-uunahan na silang magpa-picture sa akin,” dagdag pa ng sikat na internet sensation.

READ: Kean Cipriano defends Mimiyuuuh against bashers of his rap skills

Ikinalungkot niya na bago siya natanggap at nirespeto ng mga homophobic relatives ay kinailangan munang meron siyang mapatunayan.

“Guys, hindi ko yun pinagmamayabang. In fact, sobrang sad. Alam niyo, maraming beses ko na ‘tong sinasabi sa mga vlog na parang you really need to be someone to be appreciated by homophobic people, family members, everyone. And I’m so done with that culture. I am done with you all,” deklara niya.

Nagbigay din ng advice ang sikat na YouTuber sa mga beki na nakararanas ng pambu-bully.

Payo niya, “Let me just say this to you, you don’t need to prove anything to anybody. Do the things that will make you happy as long as wala kang tinatapakang tao and your intentions are good.

“If your family members won’t accept you, there’s a lot more people na makaka-appreciate sa ‘yo. They say blood is thicker than water, but I think the relationship that you build with other people, kahit hindi mo kamag-anak, I think that’s much thicker.”

ALSO READ: Mimiyuuuh, bumili ng bagong sasakyan para sa kanyang mga magulang

Idinagdag din ng vlogger na masuwerte siyang hindi nakaranas ng diskriminasyon mula sa kanyang mga magulang.

“Without judgment, in-accept po talaga nila kung sino talaga ako. No buts, no ifs. Talagang in-accept nila ako.

“Noong nag-full force na po talaga ako sa pananamit, sa aking buhok, sa aking galaw po talaga at pananalita, mas na-feel ko po talaga na tanggap nila ako,” pagmamalaki ni Mimiyuuuh.