• Home
  • Fresh Scoops
  • Nag-react din si Xian Lim sa komento ng ilang netizens na posible daw dahil sa kanyang vlog kaya siya nanakawan.

UNRESOLVED CASE: Xian Lim hindi na umaasang mahuhuli ang mga nanloob sa kanilang bahay

Nag-react din si Xian Lim sa komento ng ilang netizens na posible daw dahil sa kanyang vlog kaya siya nanakawan.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/17/2021 12:02 PM
UNRESOLVED CASE: Xian Lim hindi na umaasang mahuhuli ang mga nanloob sa kanilang bahay
Photo Credit: @xianlimm Instagram

Nagsimula nang mag-recording si Xian Lim ng kantang gagamitin para sa isang pelikula na pagbibidahan niya. Nakita namin ang kanyang post sa social media pero bawal pang banggitin ang title ng pelikula.

Sa previous interview namin sa boyfriend ni Kim Chiu ay ibinahagi nito na excited siya sa gagawing pelikula. Masusi raw niyang binabasa ang script nito para maibigay ang hinihingi ng karakter na ginagampanan niya.

“Ganun naman ako palagi, paulit-ulit kong binabasa at pinag-aaralan ang script,” tsika ni Xian sa PUSH. “Pero itong gagawin kong project ay bago para sa akin. Hindi pa ako nakagawa ng ganito before,” dugtong niya.


Hindi rin binanggit ni Xian kung sinu-sinong artista ang makakatrabaho niya sa pelikula. Basta abangan na lang daw ito ng kanyang fans and supporters.

Anyway, hindi na pala nahuli ng mga awtoridad ang mga magnanakaw na nanloob sa bahay ni Xian sa Antipolo nitong January 2021.

Aniya, “Ganu’n ‘yung proseso, I guess you just file na ganito yung nangyari, ganu’n na lang. Wala, eh. You can’t take it further na parang ano bang next steps, wala na.

“Parang magpapagod ka ba para hanapin yung mga tao na medyo mahirap na hanapin. So yon, I think it’s a matter of not letting it happen again on my part.”

Nagbigay din ng reaksyon si Xian sa komento ng ilang netizens na posible daw dahil sa ginagawa niyang pagba-vlog about his house kaya natiktikan siya ng mga magnanakaw at pinasok ang bahay nila.

“Hindi pwedeng mabaling ang kasalanan doon sa victim, eh, di ba? Ang puno’t dulo niyan is hindi tamang magnakaw. So, I think vloggers are gonna do what vloggers have to do,” katwiran ng aktor.

Patuloy niya, “So, hindi siya mali para sa akin. I don’t think dapat mag-hold back ang isang creative na tao kung gusto nilang ipakita yung bahay nila.”