• Home
  • Fresh Scoops
  • Tila nasa isip na ni Bea Alonzo ang magkaroon ng sariling anak.

SOON TO BE MOM? Bea Alonzo, may planong magka-baby sa tulong ng siyensya

Tila nasa isip na ni Bea Alonzo ang magkaroon ng sariling anak.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

03/17/2021 08:12 PM
SOON TO BE MOM? Bea Alonzo, may planong magka-baby sa tulong ng siyensya
Screenshot from Ethel Booba YouTube Channel

“Gusto ko na magka-baby.”

Ito ang naging pahayag ng aktres na si Bea Alonzo sa naging masayang panayam ng comedienne at vlogger na ngayon na si Ethel Booba.

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

 

Sa bahagi ng vlog ni Ethel kung saan special guest niya ang premyadong aktres, naging bukang bibig ni Bea ang kaniyang intensyon na magkaroon na ng sariling anak.

“Pwede ba kita ng kunin na surrogate mother kung sakali?” pabirong tanong ni Bea sa komedyana.

“Anong surrogate?” sundot na tanong ni Ethel kay Bea. “Ikaw ‘yung magdadala ng baby ko?”paliwanag ng aktres kay Ethel.

“Ano ‘yun ako ‘yung magbubuntis?” muling sambit ni Ethel sabay paliwanag ni Bea na: “Oo pero eggs ko. If given a chance? Tatanggap ka ng surrogacy?” malamang tanong ng aktres.

Sa panayam, makikita ang tila pagkagulat ni Ethel sa naging tanong ni Bea sabay sabi ng, “Oh my god, Magkano ba?” pabirong tanong ng komedyana.

Pabiro ring sagot ng aktres, “So guys alam niyo na. Kapag hindi pa ako mabuntis or mag-asawa sa lalong madaling panahon, papa-surrogate na ako,” masayang sambit ni Bea.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

 

Papuri pa ng aktres sa first time mom na si Ethel, “Hindi kasi, successful healthy at ang ganda ng baby mo. So puwede!” sabi pa ni Bea.

Sa patuloy na kuwentuhan, tila hindi na maitatanggi na nasa isip na ni Bea ang planuhin ang kaniyang buhay bilang isang ina.

Mababatid rin sa mga pahayag ni Bea na tila hindi niya isinasantabi ang tulong ng siyenya para matupad ang kaniyang pangarap na magkaroon ng sariling anak sa pamamagitan ng “Surrogate Mother” o “Surrogacy”.

RELATED LINK: Using a Surrogate Mother: What You Need to Know

“Alam mo ba ‘Pag nagpa surrogate ka pala, parang sagot mo lahat-lahat ng bagay pero hindi legal ‘yun in the Philippines by law. Hindi pa siya legal,” sambit pa ni Bea.

Sa pagtatanong ni Ethel kay Bea, hindi naman naging maramot ang aktres na sagutin kung ano ang target age na magkaroon ng sariling anak.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

 

“So gusto ko, kung ako ang tatanungin, if it were up to me gusto ko in three years. Pero siyempre, hindi pa naman natin alam ‘yung ano ng buhay, sabi ko nga baka may donor na lang tayo. Para kahit wala nang lalaki,” ani Bea.

Pag-ulit ni Bea, “Pero gusto ko na magka baby. Kaya sinasabi ko rin ‘to sa universe baka sakaling pagbigyan ako,” aniya pa.

Ito marahil ang unang pagkakataon na naging bukas ang aktres sa usapin ng pagkakaroon ng sariling anak.

Hindi na man legal dito sa Pilipinas, ilang personalidad na rin ang sumubok na maging magulang sa pamamagitan ng siyensa. Ilan sa kanila ay sina Joel Cruz, Korina Sanchez at Vicki Belo.