• Home
  • Fresh Scoops
  • Hiling ng ina ni Vice Ganda na si Rosario Viceral ang magkaroon ng apo mula sa kanyang anak.

Ina ni Vice Ganda, hiling na magka-apo mula sa kanya

Hiling ng ina ni Vice Ganda na si Rosario Viceral ang magkaroon ng apo mula sa kanyang anak.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

03/17/2021 07:21 PM
Ina ni Vice Ganda, hiling na magka-apo mula sa kanya
Screenshot from Vice Ganda YouTube Channel

Hiling ng ina ni Vice Ganda na si Rosario Viceral ang magkaroon ng apo mula sa kanyang anak.

Sa pinakabagong vlog ng It's Showtime host, inamin ni Nanay Rosario na nais niyang magkaroon ng sariling anak si Vice upang balang araw ay may magmana ng kanyang mga naipundar.


"Gusto ko anak kasi iniisip ko, sayang 'tong mga ipinundar mo anak na walang magmamana. Kanino mapupunta ito, kami nama'y patanda na. Maliban doon sa dalawang pamangkin mo. Pero iba talaga 'yung may sarili ka," aniya.

"Kaya nga nung si Joel Cruz, nabalitaan ko, sabi ko, 'Ay nako sana si Tutoy ganito rin. Ang cu-cute ng mga anak.'"

Tinaguriang "Lord of Scents" ng bansa, si Joel ay isang openly gay na negosyante na may walong anak na nabuo sa pamamagitan ng in vitro fertilization.

BASAHIN:https://push.abs-cbn.com/2019/8/31/photos/look-joel-cruz-as-a-doting-father-to-his-8-beauti-105686

Nang matanong naman kung kaninong artista nais niyang magkaroon ng anak si Vice kung sakali, sagot ni Nanay Rosario: "Kaye Abad. Gusto ko siya kasi simpleng simple lang siya."

"Kaye Abad, alam mo na. Baka naman pwede natin pagbigyan 'yung nanay ko," pabiro namang sabi ni Vice.

Si Vice ay nasa masayang relasyon ngayon kasama si Ion Perez.

Oktubre noong nakaraang taon lamang nang nagdiwang ang dalawa ng kanilang second anniversary bilang magkasintahan. 

WATCH: Vice Ganda dedicates new song to Ion Perez as they celebrate second anniversary

Matatandaang sa pinakahuling vlog ni Vice, sinabi ng kanyang ina na hindi ito nalungkot dahil bading ang kanyang anak. 

"Hindi ako nalungkot. Kasi ako naman, kung ano ang kapalaran na ibigay sa mga anak ko, tanggap ko kahit na ano," ani Nanay Rosario. Giit pa niya, proud siya sa kanyang anak.