TINGNAN: Rabiya Mateo, ibinida ang ‘Summer Ready’ body

TINGNAN: Rabiya Mateo, ibinida ang ‘Summer Ready’ body

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

03/16/2021 06:24 PM
TINGNAN: Rabiya Mateo, ibinida ang ‘Summer Ready’ body

Sunod-sunod na pasabog na sa kaniyang social media account ang ibinahagi ng 2020 Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo.

Sa kanyang recent Instagram post, kita sa kanyang swimsuit photo ang resulta ng kaniyang self-discipline para sa upcoming Miss Universe pageant.

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

 

Suot ang one piece skin-toned swimsuit, angat na angat ang Miss Universe curves ni Rabiya na may caption na “Am I late for summer?”

Bukod sa swimsuit photo, isang fierce photo naman ang inilabas ng beauty queen maker na si Jonas Gaffud. 

Sa isang Instagram post, pinuri ni Jonas si Rabiya sa kaniyang pasabog photo.

“Rawr!!!! . Like raw photo. One of those we are choosing for Miss Universe Philippines @rabiyamateo ‘s portfolio. Good Morning!” ani Jonas sa post. 

 

 

Suot ang tiger print dress, pinuri ni Jonas ang sexy na katawan ni Rabiya. 

Sa darating na May 16, 2021 gaganapin ang 69th Edition ng Miss Universe sa Seminole Hard Rock Hotel and Casino sa Hollywood City, Florida. 

Si Zozibini Tunzi ng South Africa ang reigning Miss Universe at kung papalarin, si Rabiya Mateo naman ang ika-limang Pilipina na makakapag uwi ng titulo sa Miss Universe na huling nasungkit ni Catriona Gray noong 2018.