• Home
  • Fresh Scoops
  • Marami ang napaluha sa pinakabagong vlog ni Ivana Alawi kung saan marami siyang tinulungan.

PANOORIN: Ivana Alawi, bumuhos ang luha sa ginawang kabaitan ng maglalako ng kutsinta

Marami ang napaluha sa pinakabagong vlog ni Ivana Alawi kung saan marami siyang tinulungan.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

03/16/2021 10:43 AM
PANOORIN: Ivana Alawi, bumuhos ang luha sa ginawang kabaitan ng maglalako ng kutsinta

Hindi mapigilan ni Ivana Alawi pati na ng kanyang mga tagasubaybay sa YouTube na maluha kanyang ginawang pagtulong sa mga taong sinusuklian ang kanyang mga hinihinging tulong.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)


 

Sa kanyang pinakabagong vlog, nagpanggap si Ivana na isang pulubi na humihingi ng tulong upang makauwi ng Baguio.

Dito, isa-isa siyang lumalapit sa mga tao upang manghingi ng pera sa kanila at binibigyan nito ng mas malaking halaga ang mga taong tumutulong sa kanya. 

Paliwanag ni Ivana, nagdesisyon siyang gumawa ng ganitong vlog dahil alam niyang maraming nangangailangan ngayong mga panahong ito. 

“Araw-araw ‘pag lumalabas ako, may nakikita akong mga taong kumakatok sa bintana na nanghihingi, may dala pang bata. Minsan may dalang matanda. Kasi mahirap talaga ang buhay,” ani Ivana.

READ: Ivana Alawi now has 11M subscribers on YouTube

Pagpapatuloy pa ng Kapamilya star: “At dumoble pa ang hirap nang nagka-pandemya tayo. Gusto ko maranasan ko ngayon kung ano ang naging feeling nila. It’s also rewarding the people who help out.” 

Payo naman ni Ivana sa kanyang mga tagasubaybay: “In life, kapag nagbigay ka sa mga tao na nangangailangan, laging binabalik ni Lord ‘yun. Naniniwala ako sa what goes around, comes around.” 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

 

Dagdag pa niya: “I’m not saying na mag-antay kayo na may magbigay sa inyo ng ganu’n. Kasi kayo ‘pag tumulong kayo, ibabalik sa inyo ni Lord ‘yan. Ten times, one thousand times, one million times ang balik sa inyo.”

Bumuhos naman ang luha ni Ivana sa nagbebenta ng kutsinta mula sa Ormoc at ngayo’y naninirahan sa Laguna na si Joselito Martinez dahil hindi lamang siya binigyan ng bente pesos ngunit pinakain pa ng inilalako nito at inalukan pa ng inumin. 

PANOORIN: Ivana Alawi, namigay ng tig-10,000 pesos sa mga delivery riders

“Sobrang bait niyo. Tatay, pinaiyak niyo ako,” saad ni Ivana habang umiiyak. 

“Ganyan talaga ako Ma’am ‘pag may nanghihingi ng tulong sa akin. Binibigyan ko,” saad ni Joselito. 

Nang abutan siya ng 20,000 pesos, hindi napigilan ni Mang Joselito na magpasalamat kay Ivana at sinabing: “Hala, hindi ko akalaing ganito. Biyaya ng langit. Salamat po.” 

Panoorin ang vlog ni Ivana sa ibaba: 

Hindi ito ang unang beses na nagpaabot ng tulong si Ivana sa mga nangangailangan. Kamakailan ay gumagawa ang aktres ng prank kung saan binigyan niya ng pera ang mga delivery riders na pumupunta sa bahay niya.