• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Huwag Kang Mangamba’ actress Angeline Quinto reveals how going back into acting helped her overcome her grief and move on after losing her Mama Bob.

Angeline Quinto admits being scared to go back into acting: ‘Baka hindi ko magawa ng maayos’

‘Huwag Kang Mangamba’ actress Angeline Quinto reveals how going back into acting helped her overcome her grief and move on after losing her Mama Bob.

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

03/16/2021 08:30 AM
Angeline Quinto admits being scared to go back into acting: ‘Baka hindi ko magawa ng maayos’
Photo credit: @loveangelinequinto Instagram

Aside from singing the theme song of the newest Kapamilya drama series Huwag Kang Mangamba, Angeline Quinto said she did not expect to be invited to be part of the cast as well.

“Nung una ang talagang pangamba ko baka hindi ko magawa ng maayos dahil nga sa pinanggalingan ko nung November dahil nga nawala ang Mama Bob. So feeling ko baka hindi pa ako ready na magtrabaho ulit. Tapos yung role ko pa dito bilang si Darling, parang hindi siya nalalayo kay Angeline eh na talagang bubbly, masayahin, nakakatuwa. Pero dahil sa mga katrabaho ko na hindi ako nahirapan pakisamahan sila,” she said.

READ:Mama Bob ni Angeline Quinto , pumanaw na


The 31-year-old performer said doing lock-in taping for the soap really helped her with more than just returning to acting.

“Ako ay talagang nagpapasalamat kasi sobra yung trabaho na dumarating sa akin na siguro ay tinutulungan din ako ng mama ko na hindi ako laging nasa bahay lang kasi alam niya na baka ano na lang yung mangyari sa akin, magmukmok ako everyday. Kasi araw-araw na nangyayari sa buhay ko laging may kulang na. Kahit yung first time ko na makatrabaho dito sa Huwag Kang Mangamba parang yinakap nila ako agad bilang parang kapamilya at katrabaho. So malaking bagay sa akin yun at sobrang thankful ako dahil bukod sa pagtatrabaho namin sa lock-in taping, sobrang saya lang nung pagsasama nung bawat isa. Nakakapag-open ako kay tita Sylvia (Sanchez) at kay tita Eula (Valdez). Na parang hindi ako nahihiya sa kanila makipagkuwentuhan at sa ibang mga cast pa. Sobrang thankful at grateful talaga ako,” she said.

Even though she admitted she is still grieving, Angeline said she gets strength from the lessons she got from her late mom.

“Hindi po ganun kadali. Talagang napakahirap pero si mMma Bob kasi, siya talaga yung nagturo sa akin bata pa lang ako na lagi kang magtiwala sa itaas. Na kahit anong dumating sa buhay namin, nakita ko rin kasi sa kanya yun na kasi di ba si Mama Bob lang yung nagpalaki sa akin mag-isa? So kahit gaano kahirap yung buhay namin dati, kung ano man yung nakita ko na talagang nahirapan si mama kahit mag-isa siya, nakaya niya yun kasi sobra yung tiwala niya sa itaas. So ngayon na wala na ang mama, yun talaga yung lagi kong binabaon kahit siguro sa darating pang panahon, kung ano man yung kakaharapin ko pa na pagsubok or problema na mangyayari sa buhay ko. yun lang yung lagi kong maaalala, na huwag ako mawawalan ng tiwala sa itaas,” she said.

Playing the role of a lovable woman named Darling in Huwag Kang Mangamba, Angeline said she gained a new family as part of the series cast.

“Mas bumalik yung pagiging masigla ko kasi akala ko nung una baka hindi ko kayanin. Pero sobrang saya ko na nasama ako dito sa cast ng Huwag Kang Mangamba kasi masa marami akong natututunan lalo sa pag-arte bilang si Darling na kasama dito. Kahit wala ang mama Bob, ang daming pumalit na nanay so natutuwa ako. Si Enchong (Dee) parang kapatid ko tapos yung Gold Squad parang mas nakakabatang kapatid,” she added.