• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Engot’ ang naging sagot ni Sharon Cuneta sa isang netizen na nagsabing hindi niya kayang makipagsabayan sa mga sikat na aktres ngayon.

‘Engot’: Sharon Cuneta, bumuwelta sa basher

‘Engot’ ang naging sagot ni Sharon Cuneta sa isang netizen na nagsabing hindi niya kayang makipagsabayan sa mga sikat na aktres ngayon.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

03/15/2021 02:20 PM
‘Engot’: Sharon Cuneta, bumuwelta sa basher
Photo Credit: @reallysharoncuneta Instagram

Hindi napigilan ni Sharon Cuneta na sagutin ang isang netizen na nagsabing hindi niya kayang makipagsabayan sa mga sikat na aktres ngayon. 

 

 

Sa kanyang komento sa Instagram post ni Sharon nitong Linggo, Marso 14, ikinumpara ng netizen ang beteranang aktres at singer kina Bea Alonzo, Liza Soberano, at Anne Curtis, na bukod sa kanilang galing sa pag-arte ay kilala dahil sa kanilang taglay na kagandahan.

"Good thing noon ka nag-artista. Kung ngayon ka sumabay kina Bea (Alonzo), Liza (Soberano), Anne Curtis, baka 'di ka napansin," pahayag ng netizen.

"Kung kamukha mo sana mommy mo, pede ka sumabay kaso daddy mo kamukha mo e," dagdag pa niya.

Sa kanyang naging sagot, tinawag ni Sharon ang kanyang basher na "engot."

"Eh 'di ka nag-iisip. Sa dami na ng dumaan bago pa dumating sina Bea at lahat sila eh maganda na ako! Marunong kumanta, sumayaw, umarte. Nagpayaman ng producers dahil lahat ng ginawa ko sobra ang kinita. At nandito pa rin ako!" ani ng Megastar.

"Alam mo, ang ganda, sampusampera. Ang 'di maipaliwanag ng at sa tao, ay 'yung tinatawag na X-Factor. Puede ba ako sumikat ng 'di milyon ang sumuporta at nagmahal sakin? Engot," sinabi pa niya.

Muli namang sumagot ang netizen ng: "My point is wala lang ibang choice nung time mo kaya ka sumikat. Kung kasabayan mo lahat ng mga bata ngayon baka 'di ka nakapag-artista."

Patuloy pa ng netizen: "Tatatlo lang kayo: Snooky (Cerna) was marketed as lost, unstable, and rebellious. Maricel (Soriano) was marketed as mataray and you were marketed as pa-sweet. So of course, people gravitated to you. Pero kung mukha lang, mas maganda sina Snooky at Maria sa 'yo."

Sagot naman ni Sharon: "Wala kang point, madami na kami noon, engot ka lang talaga. Kahit madaming maganda bilangin mo ilan umabot sa kinalalagyan NAMING mga kween hindi kween kweenan o feeling kween."

BASAHIN: Sharon Cuneta explains why she is determined to lose weight this time

Mahigit 42 taon nang parte si Sharon ng show business.

Nagsimula siya noong 12 years old bilang isang manga-aawit. Ilan sa mga sikat na kanta ni Sharon ay ang "Tawag ng Pag-ibig", "Mr. DJ", "To Love Again", "Bituing Walang Ningning", at "Sana'y Maghintay Ang Walang Hanggan."

Noong 1981, sumabak si Sharon sa pag-arte para sa pelikulang Dear Heart kung saan nakatambal niya ang kanyang dating onscreen partner at asawa na si Gabby Concepcion. Matapos nito ay naging sunod-sunod na ang kanyang proyekto. Ilan sa mga sikat na pelikula ng aktres ay ang Bituing Walang Ningning, Kahit Konting Pagtingin, Maging Sino Ka Man, Madrasta, Magkapatid, at Caregiver.

Sa kasalukuyan ay napapanood si Sharon bilang isa sa mga hurado ng ABS-CBN show na Your Face Sounds Familiar.