• Home
  • Fresh Scoops
  • Para kay Baron Geisler, symbolo ng kanyang ‘redemption’ ang kanyang bagong clothing business.

EXCLUSIVE: Baron Geisler’s Bungo Clothing Company inspired ng karakter niya sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Para kay Baron Geisler, symbolo ng kanyang ‘redemption’ ang kanyang bagong clothing business.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/13/2021 03:17 PM
EXCLUSIVE: Baron Geisler’s Bungo Clothing Company inspired ng karakter niya sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Unti-unti nang nakikilala ang Bungo Clothing Company na itinayo ni Baron Geisler. Ang pangalan ng kanyang clothing line ayinspired ng karakter niya noon sa FPJ’s Ang Probinsyano na si Bungo.

We came up with the name BUNGO firstly because it’s a character that I and the fans loved from Ang Probinsyano. I fell in love with the skull symbol as well, which means death of an old self and rebirth of a new one. 

It symbolizes redemption which reflects my personality, as I tread the journey of healing from the wounds that I have inflicted upon myself in the past. Changing for the better is my ultimate goal, for my family especially for my Baby Tali. That's how the name Bungo Clothing Company was born,” kuwento ni Baron sa PUSH about his new business.


Masaya rin ang aktor na ibinalitang, “Bungo is growing stronger day by day just like my sobriety. Many more surprises from Bungo soon. We are already a premium brand. God is so so good.”

Nakakatulong na rin daw financially sa kanilang pamilya ang itinayong business.

Ani Baron, “My family’s financial aspects of life now  is improving. I know the best is yet to come. Thanks so much sa love and support coming from friends, family, and fans. I love living and I’m in love with life.

Isa sa goals ng kompanya ni Baron ay makatulong sa ilang charitable institutions na nangangalaga ng mga taong may mental illness na pinagdaanan din niya noon. 

“Kinausap ko yung cast namin sa Tililing na baka puwede kong ilagay yung mga mukha nila sa T-shirts namin at pumayag naman silang lahat. 

The movie is very close to my heart as I am a mental health warrior, and I am very grateful to Viva, the cast, and the director for supporting the concept for the limited tees. We are not just an apparel company but a helping hand to organizations na malapit sa puso ko. 

A donation of P250.00 will be given to the cast's chosen mental health organization for each shirt sold kaya I am inviting everyone to support this cause, and to please follow our official page @bungoclothingco on Facebook and Instagram where we will be posting our pre-order details for the limited shirt very soon,” pakiusap ni Baron.

Inamin din ni Baron sa PUSH na noon pa niya talaga gustong magtayo ng clothing business.
Pagtatapat niya, “Matagal ko nang pangarap mag-ka clothing line, 2015 pa lang. Bungo is me, it’s who I am and what I represent now and that is 180 degrees change. No looking back, only forward, especially now na I’m having a wonderful wife and kids.”

Samantala, ang Bungo apparel ay available na sa Lazada, Shopee at sa mga Lyka accredited stores.