• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Love or Money’ actress Angelica Panganiban admits to once doubting if she was marriage material. 

Angelica Panganiban reveals her ‘non-negotiable’ when in a relationship: ‘Mahirap maghanap ng mamahalin’

‘Love or Money’ actress Angelica Panganiban admits to once doubting if she was marriage material. 

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

03/13/2021 08:31 AM
Angelica Panganiban reveals her ‘non-negotiable’ when in a relationship: ‘Mahirap maghanap ng mamahalin’
Photo credit: @iamangelicap Instagram

Starting off the year happy to share that she is in a relationship with her non-showbiz boyfriend Greg Hooman, Love or Money star Angelica Panganiban shared how she views relationships now after her previous experiences with men.

Siguro hindi naman nag-hold back, nag-iingat lang. Parang wala naman ding naging pressure. Parang kalmado lang dumating yung lahat. Parang hindi binigla, hindi pinilit. Parang nangyari na lang siya and slowly nag-o-open up na ulit yung sarili mo kasi parang naging normal na sa akin na may mataas na wall. Parang kahit naman noon pag may pinapakilala sa akin, parang wala hindi ko pinapansin. Pinapakita ko na barkada lang ito. Siguro kapag dumating lang yung tao na wow pinursige (laughs). Eh wala na akong nagawa,” she shared.

READ: Angelica Panganiban talks about her new boyfriend Gregg Homan: ‘Gusto ko lang din maging proud’


WATCH: Angelica Panganiban | PUSH Evolution

The 34-year-old actress ted she now has a non-negotiable term before getting into a relationship.

Siguro yung freedom para magawa ko pa rin yung trabaho ko na malaya ako. Parang hindi ko naman kayang dinidiktahan ako ng ibang tao para eto lang yung mga puwede kong gawin. Hindi ko kayang masakal sa ganung klaseng relationship dahil parang hindi magandang pinuputol mo yung growth ng isang tao. Lalong lalo na sa trabaho namin kasi mga artista kami so parang kung hindi mo naiintindihan, bahala ka. Pero ako bata pa lang ako eto na ang ginagawa ko, so ito yung first love ko. Siguro yun, pagka may mga ganun, pag pinatigil akong mag-artista parang bahala ka (laughs),” she explained.

At one point in her life, the Love or Money actress revealed she once questioned if anyone would think she was marriage material.

Oo naman. Nung sinabi ko naman yung linya na yun, totoo naman yun eh. Nasaktan nga ako nung sinasabi ko yun eh (laughs). Parang lahat naman siguro ng mga single tapos parang mga nasa ganitong edad na, nasa 30 plus ka na tapos single ka pa rin, parang ku-kuwestiyunin mo na yung sarili mo na, ‘May magmamahal pa ba sa akin? May magkakagusto pa ba sa akin or ikakasal pa ba ako? Magkakaroon ba ako ng pamilya?’ Parang hanggang ngayon naman eh running question pa rin yun di ba,” she revealed.

READ: Angelica Panganiban on working with Coco Martin in ‘Love or Money’: ‘Masarap siya mag-alalay’

Unlike her younger days of dating, Angelica said she has learned a lot about love and the realities of live through the years.

Mahirap maghanap ng mamahalin at magmamahal sa ’yo pero walang presyo yung pag-ibig, yung pagmamahal. Hindi yun naususukat ng kahit anong regalo or kahit na anong bagay. Ang mahal yung pagbuo niyo ng buhay together di ba? Lalong lalo na kapag may mga anak na kayo, may mga responsibilidad na kayo. So doon yung papasok yung mahal magmahal. Kaya ang sarap maging bagets eh, yung mga pa-high school. Tapos nag-ma-monthsary lang kayo, yung regalo niyo lang pag monthsary. Tapos may terno kayong mga singsing (laughs). Siguro habang tumatanda ka mas magiging mahal magmahal. Dahil diyan, marami kayong matututunan sa pagmamahal sa panunuod ng Love or Money,” she said.

Tickets for Love or Money are available through KTX.ph, TFC, and SkyCable Pay-Per-View. Starring Coco Martin and Angelica Panganiban and directed by Mae Cruz-Alviar.