Sharon Cuneta explains why she is determined to lose weight this time

Sharon Cuneta says she started dieting in January 2016.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/12/2021 05:40 PM
Sharon Cuneta explains why she is determined to lose weight this time
Photo credit: @reallysharoncuneta IG

Labis na ikinatuwa ni Sharon Cuneta na marami na ang nakakapansin ng pagbaba ng kanyang timbang at pagbalik sa dating kurba ng kanyang katawan. Pero inamin ng Megastar na matagal niyang pinagtrabahuhan ang pagpapapayat.

“I started dieting in January of 2016 but now lang talaga napansin yung loss of weight ko,” pagtatapat niya. “Kasi on and off ako sa dieting. Pag may nakita akong food na hindi ko kinain, I tell myself, ‘What if I'd die tomorrow at hindi ko natikman yan.’ Ngayon tikim-tikim na lang, hindi na  isang bandehado,” dagdag niya na natatawa.

Gusto rin daw niyang maging inspirasyon sa mga kababaihang nawawalan na ng pag-asang pumayat kaya nagpursige siyang mag-diet.


‘Uwian na!’: Photo of Sharon Cuneta in sexy outfit goes viral

Aniya, “They message me and tell me I inspire them. I’m already 55 and I’m happy that I can inspire other women to be healthy. I’m just glad to feel healthier now, so I can see my grandchildren, and I can run with them.

Isa pang dahilan ng kanyang pagpapayat ay health reason.

“And it’s also for health reason and then bonus na yung you look better on screen. Gusto ko ring maging proud sa akin ang mga Sharonians ko when they watch me naman at excited sila. At saka kung gusto mong maging leading lady you have to look like a leading lady.

“Gusto ko ring gumawa pa ng mga pelikulang… like si Meryll Streep because she did It’s Complicated, na puwede pa rin ako sa ganun.

“That love stories are not exclusive to teenagers and people in their 20s, so I want people in their 40s, 50s, 60s to be inspired that they can be healthy pa and not to lose hope kung sila’y overweight lalo na if they have the health issues because the older you get the more prone you are to getting diseases. So yon ang iniiwasan ko.

“I’d like to inspire, it’s my operative word. It’s my driving force, that’s the word that really makes me want to continue working. I like inspiring people in one way or another,” dire-diretsong paliwanag ni Sharon.

Kung paano na-inspired ng mga pelikulang ginawa niya noon ang mga tao ay ganun din daw ang naging intensyon niya.

READ: Sharon Cuneta recounts being a young mom and not finishing college course

“My Viva movies that inspired so many people, it’s amazing that I’m not even that person in that movie but since I portrayed the character and their lives were touched by it in one way or another, and they became better persons because of certain movies I did, that makes my heart so full.

“So, it’s the same, I’m grateful that they’re noticing and that I’m getting healthier, I feel healthier and it opens me up no to more roles, I think,” pagtatapos ni Sharon.