• Home
  • Fresh Scoops
  • Walang kupas na kilig at saya pa rin na pagmamahalan nina Ice Seguerra at Liza Diño kasabay ng kanilang 8th anniversary.

Ice Seguerra at Liza Diño, ibinahagi ang ultimate anniversary gift sa isa’t isa

Walang kupas na kilig at saya pa rin na pagmamahalan nina Ice Seguerra at Liza Diño kasabay ng kanilang 8th anniversary.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

03/12/2021 05:56 PM
Ice Seguerra at Liza Diño, ibinahagi ang ultimate anniversary gift sa isa’t isa

Kasabay ng celebration ng kanilang eight years of strong relationship, isang ultimate anniversary gift ang ipinasilip ng mag-asawang Ice Seguerra at Liza Diño-Seguerra para sa isa’t isa.

 

 

Sa pamamagitan ng Instagram post, ibinahagi ni Ice at Liza ang naging bonding nila kasabay ng kanilang walang kupas na pagmamahalan.

“Ito ang gift namin ni misis sa isa't isa para sa nakaraan naming anniversary. Ang magpa-executive check-up,” caption ni Ice sa post kalakip ang retrato nila ng misis na may pahabol pang “Staycation at ManilaMed!!!”

 

 

Sa series ng Instagram post ni Ice, makikita rin ang tila naging lambingan nila ng kaniyang misis habang naghihitay sa hospital bed.

“Ang downside lang sa ‘resort’ na 'to, hindi kami tabi sa kama. Huhu. Kaya makikitambay muna ako lablab ha?,” kuwelang caption ni Ice sa post.

 

 

Sa ilang araw na “Staycation” ni Ice at Liza para sa kanilang executive check-up, nagbigay update rin ang “Pagdating ng Panahon” hit maker sa magandang resulta ng kanilang check-up.

“Clean naman daw ang colon ni misis! Yey!!!! I'm happy coz all of her results indicated na she's super healthy. As for me, well...let's just say I need to take care of my health and change my frickin' lifestyle,” masayang balita sa post ni Ice.

 

 

December ng 2014 nang ikasal si Ice at Liza sa California, USA na sinundan rin ng isang “symbolic wedding” ceremony dito sa Pilipinas noong 2015.