• Home
  • Fresh Scoops
  • Mensahe ng aktres na si Sharon Cuneta sa dating onscreen partner na si Gabby Concepcion: ‘[Ikaw] na lang hinihintay!’

Sharon Cuneta, game pa rin sa reunion movie nila ni Gabby Concepcion

Mensahe ng aktres na si Sharon Cuneta sa dating onscreen partner na si Gabby Concepcion: ‘[Ikaw] na lang hinihintay!’

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

03/10/2021 04:17 PM
Sharon Cuneta, game pa rin sa reunion movie nila ni Gabby Concepcion
Photo Credit: @concepciongabby and @sharoncunetanetwork Instagram

Tila game na game pa rin ang aktres na si Sharon Cuneta na sumabak sa reunion project kasama ang kanyang dating onscreen partner at asawa na si Gabby Concepcion.

Sa kanyang Instagram account nitong Martes, Marso 9, nagbahagi si Sharon ng isang photo collage kung saan makikita sila ni Gabby na kasama ang kani-kanilang mas batang love team partners na sina Marco Gumabao at Sanya Lopez.

Sa caption, sinabi ni Sharon kay Gabby, na ama ng kanyang panganay na anak na si KC Concepcion: "And you, Kitina’s Papi! Kala mo ikaw lang may batang partner ha?!"


Patuloy niya: "Game ka na ba? Ako walang kaproble-problema. You na lang hinihintay ng bansa!" 

 

 

Taong 2016 pa nang unang mapabalitang muling magsasama sa iisang proyekto sina Sharon at Gabby na huling napanood sa pelikulang Tayong Dalawa noong 1992. 

BASAHIN: Sharon Cuneta reveals it was Gabby Concepcion who reached out for mini-reunion to happen

Matapos ang dalawang taon, pinasabik muli ng dalawa ang kanilang mga tiga-hanga nang magsama sila sa patalastas ng isang kilalang fast food chain.

Sa dating panayam ng PUSH kay Gabby, sinabi ng aktor na umaasa siyang matutuloy pa rin ang kanilang inaabangang onscreen reunion ni Sharon. Aniya, sakaling matuloy ito, sila na mismo ng aktres ang tatayong producer ng kanilang pelikula.

"Pero, of course, kailangan rin namin ng ibang producers, para everybody happy, magkakatulungan. Hindi mo naman pwede solohin so magkakaroon ng major producers," ani Gabby.

Umaasa rin umano siya na magkakaroon sila ng magandang materyal na maibabahagi para sa kanilang mga fans na nais na makita silang muli sa iisang proyekto.

"We really, really need a good story, so if everybody has a really good story out there, it should be something out of the box, kakaiba," dagdag niya.