• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayaw na umanong makisali ni Kim Chiu sa usaping may kaugnay sa dati nitong nobyo na si Gerald Anderson.

Kim Chiu, tinadtad ng panunukso kasunod nang pasabog na panayam ni Gerald Anderson

Ayaw na umanong makisali ni Kim Chiu sa usaping may kaugnay sa dati nitong nobyo na si Gerald Anderson.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

03/10/2021 09:03 AM
Kim Chiu, tinadtad ng panunukso kasunod nang pasabog na panayam ni Gerald Anderson

Sunod-sunod ang naging panunukso ni Vice Ganda sa aktres at kapwa It’s Showtime host na si Kim Chiu sa sikat na noontime show kasunod nang naging interview ni Gerald Anderson sa King of Talk na si Boy Abunda. 

Isang araw matapos ang naging pag-amin ni Gerald Anderson tungkol sa kanyang tunay na nararamdaman para sa mahigit isang taon nang napapabalitang nobya umano niya na si Julia Barretto, tinukso ni Vice si Kim sa segment nilang ”Versus” tungkol sa dating nitong kasintahan. Isa sa mga kasama ni Kim bilang hurado ang komedyanteng si Jerald Napoles. 

READ: Gerald Anderson admits relationship with Julia Barretto


Panimulang biro ni Vice: “Hoy, Jerald, napanood ko 'yung interview mo kay Tito Boy, ah. Pasabog ka.” 

Sagot naman ni Jerald: “Ay oo nga eh. Twenty minutes din 'yun, 'no.” Saad naman ni Vice: “At napanood mo din, ah. Alam mong 20 minutes, eh.” Biro ni Jerald: “Ang dami kasing nagta-tag sa akin. Ganun na pala ang itsura ko ngayon.” 

Ngunit hindi naman nakaiwas si Kim sa panunukso ni Vice sa kanya. Tanong ni Vice: “Happy naman kayo ni Jerald diyan?” Dahilan para saumagot si Kim nang: “Ayokong sumali diyan.” 

Agad namang nilinaw ni Vice na si Jerald Napoles ang tinutukoy niya.

READ: Julia Barretto, Gerald Anderson now Instagram official

“Happy kami dito ni Jerald at saka ni Roxanne [Guinoo],” mabilisang sagot naman ni Kim. Dagdag pa ni Jerald: “Okay naman kami, okay naman kami.” 

Ngunit hindi pa rin tumigil si Vice at sinabing: “Masaya naman ang bonding niyo?”

Sagot ni Kim: “Yes, super and excited kami at kinakabahan kami kasi nga magagaling ang tatlo today," ani Kim patungkol sa mga kalahok.”

Hirit pa ni Vice: “Eh bakit si Roxanne nasa gitna?" Sagot naman ni Roxanne: “May in between sa Kimerald pala. Kimerald world.” 

Panoorin ang video sa ibaba: 

Umusbong ang pag-iibigan nina Gerald Anderson at Kim Chiu noong taong 2006 nang sumali sila sa kauna-unahang edisyon na teen edition ng Pinoy Big Brother. Simula noon, nagsama ang dalawa sa iba’t-ibang teleserye at pelikula. Ngunit makalipas lamang ang ilang taon, naghiwalay din sina Kim at Gerald. 

Samantala, kontrobersyal naman ang naging hiwalayan nina Gerald at Bea Alonzo noong taong 2019. Bagama’t marami na ang nagpapatunay sa umano’y relasyon ni Gerald sa kanyang Between Maybes co-star na si Julia Barretto, itinanggi nila ito ng maraming beses.