EXCLUSIVE: NEW LOOK! Baron Geisler reveals why he cut his hair after five years

New look ngayon ang aktor na si Baron Geisler.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/10/2021 12:00 PM
EXCLUSIVE: NEW LOOK! Baron Geisler reveals why he cut his hair after five years
Photo Credit: @baron.geisler Instagram

New look ngayon ang aktor na si Baron Geisler. Ipinaputol na niya ang kanyang long hair na matagal din niyang inalagaan.

“Five years din yung buhok ko na yon, ang tagal din. Hahaha!” lahad ni Baron sa amin.

May mga karakter din daw siyang ginampanan na talagang nagmarka sa mga tao dahil sa pagkakaroon niya nang mahabang buhok.


“Nakatulong sa character ko yung hair ko dati, parang naging statement din kasi siya like don sa role ko sa [FPJ’s] Ang Probinsyano at sa Tililing. Kung hindi siguro ganun yung hair ko baka hindi rin ako nai-cast,” sambit pa ni Baron.

Eh, bakit nga ba siya nagpaputol ng buhok?

Sagot ng aktor, “Kailangan sa isang serye ng Viva na ilalabas sa TV5, eh, kaya ako nagpa-cut. Gusto ko rin ng new look at nire-require yon ng character na gagampanan ko.

“Ngayon nga, hindi na rin sila natatakot lumapit sa akin at kausapin ako kasi pakiramdam nila ang bait-bait ko na dahil dahil sa bago kong hair,” natatawa pahayag ng magaling na aktor.