• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinuri ni Ogie Alcasid ang naging tagumpay ng misis na si Regine Velasquez sa success ng digital concert nito.

Ogie Alcasid, idinaan sa kilig ang pagbati sa tagumpay ng ‘Freedom’ concert ni Regine Velasquez

Pinuri ni Ogie Alcasid ang naging tagumpay ng misis na si Regine Velasquez sa success ng digital concert nito.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

03/01/2021 04:52 PM
Ogie Alcasid, idinaan sa kilig ang pagbati sa tagumpay ng ‘Freedom’ concert ni Regine Velasquez
Photo From @regine.tv and @ogiealcasid Instagram

Kasunod ng successful Freedom digital concert ni Regine Velasquez nitong February 28, proud si singer-songwriter na si Ogie Alcasid para sa kaniyang misis.

READ: Regine Velasquez steps out of her comfort zone in ‘Freedom’ digital concert

Sa pamamagitan ng Instagram post, isang sweet at kilig na pagbati para sa kaniyang misis ang ibinahagi ni Ogie.


“How a woman can make a 53 year-old feel like he’s 17 again. #crazyforyou too. Salamat mahal,” sambit ni Ogie sa post. 

Patuloy ng singer-songwriter: “Congratulations!! You have the raised the bar again. Your artistry comes from a place so high. Lord purihin ka!!!” 

Labis na nag-enjoy ang mga manonood ng Freedom digital concert ni Regine.

Sa mga nakalap na retrato ng PUSH, makikita ang pagtupad ni Regine sa pagbibigay ng mga pasabog na mga birit.

RELATED ARTICLE: Ano ang mga dapat abangan kay Regine Velasquez sa ABS-CBN?

Sa February 14 dapat ang concert ni Regine ngunit na-postpone ito.